Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
Ash's POV
Siguro eh binaligtad na ng mga magu-magulang nung apat yung fixed-marriage na sinabi nila sa akin dati. Kanya kanyang pwesto ang mga yun at tingin ko ay magtatabi pa yata.Sa liit ng double deck! Kasya naman ang dalawa sa isang higaan pero ang skinship tol. Skinship!
Naisip ko na naman ang parents ko. Gustong gusto kong puntahan ang puntod nila para masigurong magkasama sila ni dad sa libingan pero di ko magagawa kasi mapapahamak kaming lahat. Napakadali ng bumalik kasi nasa labas kami pero di ko magawa. Napapikit na lang ako sa inis. Kung may nagawa lang sana ako noon, kung hindi ko na sana pinayagang sumakay si dad ng sasakyan na yun at kung hindi ko sana hinayaang iwan si mom para kumuha ng tubig edi sana kasama ko pa sila ngayon. Sana nabubuhay akong normal ngayon. Sana hindi ganito.
Nang sumikat ang araw ay lumabas agad ako at lumipad papuntang bubong. Mas magandang magbantay dito sa taas para kita lahat. Pero tang-ina! Kakaupo ko pa lang ay isang palaso na agad ang tumama sa binti ko. Puting track pants ang suot ko kaya kitang kita ang dugo. Napalingon ako kung saan galing yun at dalawang dark xenons ang nasa likuran ko kaya agad akong bumaba. Hindi ko inaasahang sa harap pa ng nakaupong si Flint ako bumaba. Napatingin siya sa binti ko na nagdurugo pero umiwas ako at kinuha ang pana sa loob. Tumulo ang dugo sa sahig pero di ko na yun pinansin. Baka makabalik pa sila sa kuta nila at sugurin kami dito ng dose-dosenang kalahi nila. Lumipad agad ako pero sinundan ako nung lima. They also use their bow para kalabanin yung dalawang dark xenons kasi kapag ginamit agad namin ang magic namin, maamoy nila kami at sigurado akong susugurin kaming lahat dito.
Tig-tatlong patama sa kalaban ay agad itong naging abo. Siguro ay dahil sa ordinaryong pana ang gamit namin pero kapag yung mismo isinummon namin, sigurado akong isang tira palang ay patay na ang kalaban.
Napaupo ako sa damuhan at hinawakan ang aking binti. Tatayo pa sana ako ng buhatin ako.
Ni Flint.
Nagpumiglas ako pero mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa akin at mas lalong hinapit ang bewang ko kaya hindi ako makawala. Iniupo niya ako sa sala at kumuha ng first aid kit. Talagang kapag kailangang kailangan lang namin pwedeng gamitin ang magic namin. Nakakainis
"Don't move o itatarak ko lalo sayo yang panang yan." he said pertaining to the arrow na hinugot niya sa binti ko. Yung apat? Gagawa daw ng barrier para di kami basta bastang maatake tsaka para makagamit kami ng magic dito sa loob. Hindi man yun kasing tibay ng barrier na nasa academy but it still helps. Bakit ngayon lang namin naisip yun eh kanina pang madaling araw kaming nadito.
"I have hands." giit ko pero hindi siya nagpatinig. Ginamot niya pa rin ang sugat ko. Tang-ina. Bipolar ba talaga siya?
"Tapos na. May barrier na ang bahay. Nilawakan na namin ang sakop para makauli parin tayo sa labas. We can now also use our magics here."Aiden said. Agad namang tumayo si Flint at wala na akong pake kung saan man siya pumunta. Pagkarinig ko ng pwede ng gamitin ang magic ay sinimulang kong gamutin ang sarili ko. Pinapanood ako nung apat at pipigilan pa sana nila ako dapat pero inunahan ko na silang senyasan na huwag. Kaunti lang nare-release kong magic dahil may benda pa ang kamay ko pero wala akong magagawa. Malalim ang sugat ko kaya mas okay na to.
BINABASA MO ANG
HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPH
FantasyHidden: Xerxes Academy (The Earth Dimension) Published under Immac PPH Ashleighnielle is an astute woman who shows her shrewdness and her ability to notice and understand things clearly. Throughout her existence, being a sagacious mortal only makes...