Chapter 16

1.8K 56 1
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction.

Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.

***


Ash's POV

"Kamusta ang date?" kanina pa kaming kinukulit ng apat na to. Edi syempre, kung ano yung ordinaryong ginagawa kapag may date. Ano pa bang aasahan niyo.

"Did you guys make your first kiss last night?"

Parehas kaming napabuga ni Flint ng kinakain namin. Putang-ina! Anong klaseng tanong yun.

"Whaaaa! May first kiss ngang naganap kagabi!!" tili ni Perrie. Anong first kiss kagabi? King-ina!

"Baka Third Kiss kagabi." nanlaki ang mata ko ng magsalita si Flint sa isip ko.

"Gago!" I replied.

"Nakita ko nga kayo Eris at Aiden dun sa girl restroom eh. Ano? Tanggi." I just said. Aba malay ko bang may gagawin pala silang kababalaghan dun eh ang sabi nila eh may kukunin daw sila sa bahay eh saktong namang gagamit ako ng restroom. King-ina talaga. Well, wala namang problema, we are all eighteen already at nasa tamang edad pero, kung ako ang tatanungin, gusto ko yung romantic man lang hindi yung kapag nakaka-isip lang ng kaanuhan.

"Uy hindi ah. Kailan yun?" pagmamaang-maangan pa ni Eris.

"Last monday. 12:33pm. 3rd door of girls restroom. 5th floor. Beside the library. We are in the combat class pero sabi niyo kukuha lang kayo ng potion sa bahay." at ngumiti ako ng nakapang-aasar. Hindi nakapagsalita yung dalawa habang tumatawa yung tatlo. Nakipag-apiran pa sa akin si Flint. Lokohin na nilang lahat, wag lang ako.

"Sabi nga namin." Aiden said at nagpatuloy na kami sa pagkain. Yun lang pala ang ikatitigil ng asarang yun, dapat kanina ko pang ginawa.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa training room. Yung "Magic Stopper Room". Hindi pwede gumamit ng magic sa room na to pero dito ako nakapagpasabog. Hindi ko nga rin alam kung bakit. At malas namin kasi kasama na naman namin ang A-class rank. Makikita ko na naman ang pagmumukha ng bruhang yun.

Mas naging mahigpit ang pag-eensayo namin dahil dun sa pagsugod dati ng ibang dark xenons. Kailangan naming palakasin ang mga katawan namin dahil maaring ganung mga klaseng kalaban ulit ang sumugod. Syempre, dumadami sila kapag magic namin ang gamit kaya walang choice, kundi mano-mano. Kaya kapag hindi ka malakas, mamatay ka.

"Putang ina!" I exclaimed. May ilang estudyante ang napatingin sa amin. Sino pa nga ba ang mahilig manghila ng buhok?Lalo na at wala kaming kasamang prof ngayon. Talagang napakalakas ng loob.

"Inagaw mo sa'kin si Flint!" she shouted. Agad namang lumapit sina Perrie sa akin para pigilan ang nagwawalang si Camile. Naka-drugs ba to? I mean, bakit niya pa ipagpipilitang inagaw ko sa kanya si Flint eh hindi naman sila nagkaroon ng relasyon. At isa pa,sabi nung lima, ni hindi naman daw pinagpakitaan ng motibo. Okay naman sa akin may ibang magkagusto kay Flint, wala akong magagawa dun kasi nga may itsura pero putang ina! Girlfriend na ako nun, tapos sasabihan pang ako ang nang-agaw. Eh kung mapatay ko kaya siya ng di oras?

"Umalis ka sa harapan namin Camile. Kapag hindi ako nakapagpigil, aabuhin talaga kita." Flint coldly said. Pati ako ay natakot sa sinabi niyang yun. Agad na umalis si Camile sa harap namin dahil na rin siguro sa takot. Ganun din yung naramdaman ko dati, sa bubong ng bahay ng nobles.

HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon