Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
Ash's POV
Matapos kong malaman kagabi sa headmaster ang tungkol sa dark xenons ay para pa rin akong blangkong papel. Bakit sabi nung healer ay ako na lang, isang ice user ang makapagliligtas sa buong Xerxes World.Ibigsabihin ay diskumpiyado ang nakatataas sa barrier na nakapalibot sa amin. Na kahit gaano katibay ay may chance na masira. King-ina! Naguguluhan na ako. Ang unang misyon ko lang naman dito ay mag-aral para makaganti sa nangyari sa mga magulang ko, pero tapos na pala yun ng hindi man lang ako napapagod. Hindi kaya? May iba na akong misyon sa mundong ito?
Takte Ashleign. Naguguluhan na talaga ako. Bakit pakiramdam ko talaga, sinasadyang makilala ko si Lola Imelda at dalhin niya ako dito? Basta.
"What's with that face? Malalim yata iniisip mo?" at ito na naman ang usapan namin ni Flint sa isipan namin. Baka nadis-locate na talaga panga niya kaya telepathy na lang ang ginagamit niya para dumaldal.
"Nothing. Just my parents." I lied. Kasalukuyan kaming bumabyahe sakay ng traditional bus papuntang Dragon City. Visit namin ngayon or should I say, field trip. Kasama namin sa bus ang A Class since anim lang kaming S Class at kinakausap ako ni Flintn ngayon using our telepathies kasi nakalingkis sa kanya si Camile. Kanina ko pang gustong matawa dahil sa itsura niya.
"You sure?" he replied. Nakatingin siya sa bintana dahil kinukulit siya ni Camile. Yan kasi eh, try niya kayang pasabugin yung mukha niya para layuan siya? Medyo gwapo eh. Medyo lang naman.
"Yeah. Can you please turn your attention to your girlfriend? Nangangawit na siguro siya kakausap sayo. Kausapin mo naman." pang-aasar ko. Baka di lang panga ang madis-locate, baka pati leeg. Halos thirty minutes na siyang nakatingin sa bintana at hindi minsan humaharap dahil nga sa katabi niya. Paano ko nakikita? Nakaupo kasi sila sa unahan ko. Wala naman akong katabi kasi siguro, natatakot sila sa akin.
"Nandito na tayo." announce ng isang prof na kasama namin. Nagsitayuan naman kami at nagsiunatan dahil nakakangalay talagang umupo. Agad akong hinila nung apat at nag-intay pa kami ng ilang minuto dahil sa "girlfriend ni Flint".
"Hindi ko nga sabi girlfriend yun Ash." napatingin naman kaming lahat sa salubong niya sa amin. Ngayon ko lang na-realize na bukas pala isipan ko. Nabasa niya siguro.
"Wala naman akong sinasabi ah." pang-aasar ko. Nagkunwari akong walang sinabi kaya yung mga kasama namin ay nagtataka. Kita ko ang matalim na tingin sa akin ni Flint. Kung pwede nga sigurong gumamit ng magic ay tiyak na sunog na ako ngayon. I mean, abo na pala.
"Pre. Wag masyadong defensive. Napaghahalataan ka masyado." panunukso ni Wade. Tuwang-tuwa talaga silang asarin yung isang yun palibhasa, hindi makalaban. Tsaka, cute naman talaga siya kapag inaasar, parang si dad, kapag inaasar siya ni mom. Namiss ko na naman sila.
"May isa kasi diyang nagsabi sa akin na girlfriend ko si Camile." Flint said. Nakatingin siya sa akin at alam kong nagpaparinig siya. Ako naman tong nagkunwaring walang alam. Hanep! Para lang kaming mga bata dito.
BINABASA MO ANG
HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPH
FantasyHidden: Xerxes Academy (The Earth Dimension) Published under Immac PPH Ashleighnielle is an astute woman who shows her shrewdness and her ability to notice and understand things clearly. Throughout her existence, being a sagacious mortal only makes...