Chapter 11

2.1K 81 2
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction.

Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at  mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.

***

Ash's POV

A two weeks had passed pero wala pa rin kaming napapansing paali-aligid sa barrier. Baka naman natunugan kami kaya nanahimik sila ngayon.

"Snacks!!" hiyaw ni Wade. He brought snacks here at the terrace. Medyo naging okay-okay na kami. Nag-uusap na rin kami hindi katulad noon na para kaming mga tangang pakiramdaman pa. Para lang kaming nanonood ng sunset at sunrise. Babalik na kami mamayang hapon sa academy dahil wala namang nangyayari. Yung messenger namin, ang sabi naibalik na daw sa dati ang barrier at wala naman na daw nagbabago. Ngayon, nalilito ako sa kung anong gusto nilang mangyari. Diba, tumigil sila noon nung mamatay ang ina at anak ng reyna? It was thirteen years ago nung huli nilang pakikielam. Yung ina ng reyna was supposed to be seventy ngayong taon and the princess will become eighteen? May hindi tama. Nagbibigay ba sila ng senyales? Para saan? Para ano?

"You seem bothered Lein." napatingin ako kay Eris ng magsalita siya. Agad kong hinilot ang sintido ko dahil sa lito.

"The princess will became eighteen this year right?" napatingin silang lahat sa tanong ko. Una kong tiningnan si Flint kasi alam kong sinsitibo siya kapag pinag-uusapan namin ang tungkol dun. He nodded at sinenyasan na okay lang. Mukhang tinamaan yata siya nung nagkausap kami noon.

"Oo bakit?" Perrie replied. Nag-aalangan akong sabihin kung ano ang hinala ko pero king-inang mga titig nilang yun.

"May nailibing bang bangkay ang prinsesa at yung lola niya noon?" nag-aalangan kong tanong. Nagkatinginan naman silang lahat dahil sa tanong kong yun. "Okay lang kahit di niyo ako sagutin." dagdag ko pa, tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Eris.

"Lola niya lang ang nailibing noon.Bakit mo natanong." she replied kaya tiningnan ko silang lahat.

"Hindi kaya buhay pa ang prinsesa kaya ngayong 18th birthday niya ay nagsisimula na silang umatake?" usal ko. Medyo natatakot pa ako sa mga sinasabi ko lalo na kapag napapatingin ako kay Flint. Kutob ko lang.

"Imposible yang sinasabi mo. Nakita naming lahat kung paano siya patayin sa harapan namin." Aiden said. Tumango na lang ako. Baka kapag nakipagtalo pa ako eh magkagulo pa at isa pa, kaibigan nila yun at wala ako ng panahong yun kaya wala akong karapatan na magtanong pa.

Namg dumating na ang susundo sa amin na dalawang fairy at agad na naghanda. Isang oras namang paglalakad ang gagawin. Nasa hulihan ako ng paglalakad ng makarinig ako ng kaluskos sa likod. Nagsilingunan naman sila at tumigil sa paglalakad. Pumunta sa likuran ko si Flint at nagmasid masid. Maglalakad pa sana kami ng biglang may sumugod sa amin.

Nagkanya kanya kami ng galaw dahil sa dami ng sumusugod sa amin. Mukhang natiktikan kami. I summon my bow at agad lumipad. Tinitira ko mula sa taas ang mga kalaban at tinulungan ang lima kung sakali mang delikado.

"Ahhhh!" I shouted. Nawalan ako ng lakas at nalaglag sa pagkakalipad. Napatama ang likod ko sa isang bato kaya hindi ako makatayo. Hinugot ko ang pana sa balikat ko at isinummon ko ulit ang bow ko at tinitira ang mga lumalapit sa akin. Tiningnan ko yung lima. Sugatan na sila pero nakatayo pa rin at lumalaban. I tried to stand up and use my bow and transform it into sword. I started to attack them.

HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon