Chapter 19

1.6K 58 0
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction.

Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.

***

Ash's POV

"Sinabi na sayong kumain ka! Kumain ka!" bulyaw sa akin ng isa sa mga dark xenon na pilit isinusubo sa aking mga bibig ang iba't-ibang parte ng katawan ng tao. Isang buwan. Isang buwan na akong nagtitiis sa lintik na lugar na ito pero hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Paulit-ulit na senaryo ang nangyayari sa akin dito araw-araw. Pinipilit nila akong pakainin ng pira-pirasong parte tao at kapag hindi, binubugbog nila ako. Sinasakal, sinasampal at tinatadyakan. Nanginginig na ang buong katawan ko ngayon at pinaglalabanan ang pilit na pagpapakain sa akin ng mga ito. Mas gugustuhin ko pang mamatay sa gutom kaysa mabuhay at kumain ng tao.

Isang malakas na sampal ang natamo ko mula sa mga ito. Hindi ko magawang lumaban dahil nakagapos pa rin ako. Pakiramdam ko ay mapuputol na ang kamay ko dahil sa talas ng mga posas na nakalagay sa akin.

"Napaka-arte mo!" he shouted at isang malakas na sampal ulit ang natamo ko mula sa kanila. Ramdam ko ang pagdugo ng sulok ng labi ko dahil sa ginawa nilang iyon.

*Booogggssshhh!"

Napabuga ako ng dugo dahil sa malakas na pagsipa nila sa tiyan ko. Pakiramdam ko ay umikot ang laman-loob ko at nagkabuhol-buhol ang bituka ko dahil sa lakas ng sipang iyon. Hindi pa sila nakuntento at sinakal ako pataas at pinagsusuntok ang tiyan ko.

"Tang-ina! Kung papatayin niyo lang din naman ako! Bakit hindi niyo pa gawin ngayon!"malakas na loob kong hiyaw.

*Booogggssshhh!*

At sinipa muli ako na dahilan ng pagkalaluhod ko. Dumagdag pa sa pagkakapagod ko ang bigat ng mga nakatali sa akin.

"Manahimik ka!" ganti nila at isinaboy sa akin ang ipinapakain nila kaninang laman-loob ng tao. Kailangan kong makatakas dito dahil alam kong magpapatuloy lang sila na dumukot na tao at kainin. Ano sila? Cannibal?

Nakahinga naman ako ng maluwag na iwanan na muli ako ng mga alagad ni Hades. Hindi ko talaga alam na ganun pala kahalang ang bituka ng tang-inang iyon. Natawa na lang ako ng pagak. Kamatayan din pala ang kahahantungan ko. Medyo na-late nga lang. Tanggap ko naman pero hindi pa sa ngayon. Kailangan ko munang makaalis dito.

Nagmasid masid ako sa paligid na maaari kong takasan. Ang problema ko lang ay hindi ko alam kung nasaang parte ito at hindi ko rin alam kung paano makakabalik. Kung makawala man ako sa pagkakagapos ko ay alam kong mag-iingay ang mga mababangis na hayop na ito sa paligid ko. I tried again to release my magic pero hindi talaga kayanin ng katawan ko.

Nag-try na muli ako na makawala sa pagkakagapos at laking gulat ko ng mapultol ang posas sa kamay ko. Hindi ko alam kung paano nangyari yun pero hindi ko na muna iisipin yun. Kailangan kong makaalis sa impyernong ito sa madaling panahon. Nagpalinga-linga ako sa paligid para tingnan kung gising ba ang mga mababangis na hayop sa paligid ko. Laking pasalamat ko at tulog. Sinubukan kung gamitin ang magic ko para alisin ang kadena sa paa ko at natanggal ko ito ng walang nililikhang anumang ingay. Dahan-dahan akong naglakad para maghanap ng pinto palabas ng silid na ito pero wala akong makita.

Naglakad uli ako para maghanap ng malalabasan at isa lang ang nakita ko. Isang maliit na butas sa tabihan ng nantutulog na halimaw. Wala akong ibang choice kundi dumaan dun kahit na hindi ko alam kung saan ang kalalabasan nun. Natatakot ako na baka mahuli nila ako at igapos muli ng pagkakahigpit higpit.

HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon