Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
Ash's POV
"Nakapag-usap naman kayo ng matino?" Eris asked. Tumango na lang ako. Kung alam lang nila kung ano kalandiang ginawa kanina ni Flint. Muntik ko na nga siyang pagyelohin dahil sa ginawa niya kanina.
"Tita Lein. I asked Tito Aiden kanina kung bakit kayo lang ni Tito Flint ang magkausap. He said, you're Tito Flint's girlfriend." nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Aenon. Tang-inang mga to. Kung ano-anong tinuturo sa bata. Agad kong nahagip ang unan sa tabihan ko kaya nabato ko agad ang nakangising si Aiden. Samahan pa ni Wade. Pagbubuhulin ko talaga ang dalawang ito kapag naabutan ko sila habang wala ang bata.
"Aray naman Lein!"
"Sira-ulo." tanging nasabi ko.
"Bakit ka nagagalit eh totoo naman. Hindi naman tayo naghiwalay Ash."
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Flint? At ano na namang kagaguhan ang sinasabi niya. Okay sana kung kasal kami tapos nag-file ako ng annulment na hindi niya pala pinirmihan. Baka dun pa akong maniwalang hindi kami hiwalay kasi may papel. Eh lintik! Hindi daw kami hiwalay kasi hindi naman kami nagkausap?Walang hiya talaga
"Yieeeeee. Kinikilig ka lang Lein."
"Witwiw!"
"Hindi pala naghiwalay huh?"
"Bakit may ganito? My gosh! Kinikilig ako."
"Manahimik kayo pwede ba?"naiirita kong sabi. Talagang kukunsintihin pa nila ang kalokohan nitong si Flint.
"At kung makipaghiwalay ka man? Hindi naman ako papayag. Kaya boyfriend mo pa rin ako." pinandilatan ko si Flint dahil sa sinabi niyang iyon. I heard him chuckled kaya inirapan ko na lang siya. Feeling niya naman eh patay na patay ako sa kanya? Hindi ah. Patayin ko siya eh.
"Tito Flint and Tita Lein are so bagay."
"Tama Aenon. Makinig ka lang sa'kin. Apir." Flint said at nakipag-apir sa bata. Sa aming nasa loob ng bahay na to? Ako lang yung di makatawa. Paano ba naman eh sa dami-dami ng pagtitripan eh bakit ako pa?
"Tama na mga Tita at Tito. Ay naka-simangot na si Tita Lein. Ayos ka lang po?" tanong ni Aenon at pumunta sa akin para magpakalong. Buti pa tong bata. Nakakaintindi. Buti na lang at hindi nagmana kay Flint kahit na siya ang kinamulatan nito. Buti at hindi niya ginagaya ang ugali ni Flint na araw-araw niyang nakikita. Tiyak na World War III dito kapag nagkataon.
"Huwag mong masyadong lambingin ang Tita Lein mo. Huwag mo akong agawan."
"Magtigil ka Zacchaeuss Flintmaxhdale Arell! Makikipagpatalo ka pa sa bata." banta ko sa kanya at inirapan. Baliw na talaga ang hinayupak na yun at kung ano-ano ng mga sinasabi niya.
"Oo na po Zacchaeyya Ashmierdrixiacaella Clifford."
Oo na po Zacchaeyya Ashmierdrixiacaella Clifford...
Oo na po Zacchaeyya Ashmierdrixiacaella Clifford...
Oo na po Zacchaeyya Ashmierdrixiacaella Clifford...
BINABASA MO ANG
HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPH
FantasyHidden: Xerxes Academy (The Earth Dimension) Published under Immac PPH Ashleighnielle is an astute woman who shows her shrewdness and her ability to notice and understand things clearly. Throughout her existence, being a sagacious mortal only makes...