Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
Ash's POV
"Ayos ka lang apo?" she asked. Bigla kasi akong nahilo dahil sa pagdaan namin sa portal. Nasanay na ako sa public transportations kaya medyo iba na sa pakiramdam. Halos tatlong taon na din na hindi ko ginagamit ang magic ko para iwas gulo tsaka paniguradong hindi matatahimik ang buhay ko.
"Opo." at ngumiti ako sa kanya. Nandidito na kami sa main gate ng Xerxes. Parang kumukulo ang tiyan ko at parang gusto ko na lang bumalik. Bakit ba ako kinakabahan ng ganito eh hindi naman ako pumatay? Hindi rin naman ako gumawa ng masama. Hindi naman ako bilanggo na nakatakas sa kulungan.
Nang makapasok kami ay napansin kong ganun pa rin ang itsura nito. Walang pinagbago. Yung mga puno, yung mga building. Ganun na ganun pa rin.Hindi ko maiwasang mamangha kahit na tumira na ako dito noon. At isa pa, sa loob ng tatlong taon eh hindi naman sila sinugod nina Hades at ikinatutuwa ko yun.
"Halika na." lola said sabay hawak sa kamay ko. Pinanatili kong blangko ang mukha ko dahil wala ako sa mood na ngitian isa-isa lahat ng makakasalubong ko.
Bakas sa mukha nila ang gulat. Sino nga bang hindi magugulat kung yung taong nawala ng ilang taon ay nandidito na naman.Tsaka alam kong na-tsismis ako nung ikasal si Flint at Camile kasi kalat naman nga noon sa school na naging kami. Nakaka-high blood.
"Sa palasyo." sabi ni lola sa kutsero. Mabuti na lang at may sumundo sa amin kasi ayokong pagtinginan ng mga estudyante. Tsaka sa pagkakalaam ko eh wala na sa campus ang bahay ng nobles kasi nga graduate na pero pakiramdam ko, malapit lang sila sa palasyo. Royals. Nobles.
Sa bawat pagtakbo ng kalesa ay sa paglakas ng tibok ng puso ko. Feeling ko eh anytime hihimatayin ako kasi syempre, hindi maiiwasang magkikita-kita kami. Alam kong magkikita-kita pa rin kami lalo na at matatas ang katungkulan nila.
"Narito na po tayo." rinig kong usal ng kutsero na dahilan pagka-kaba ko.
Umuna si lola sa paglalakad habang ako ay nakasunod sa kanya. Ngayon naman ay nag-iisip ako kung paano ako magpapakilala sa mga magulang ko. Paano ba? 'Ako po ito si Lein. Estudyante po ako dito dati tapos nalaman ko pong anak niyo ako.' Masyado namang proud ang dating kapag ganun ang sasabihin ko. Eh kung?'Hi po. Ako po si Lein ang nawawala niyong anak.' Pwede ba? Hindi ko naman trip kasi hindi naman kapani-paniwala. Baka sabihin nila eh scam pala ako tapos ipakulong nila ako or worst? Ipabitay. Sus ginoo.
Lumunok muna ako at huminga ng malalim bago sumunod kay lola papasok ng silid. Alam kong nandito na kami sa silid ng hari at reyna.
Nang mga magulang ko.
Pagkakapasok na pagkapasok ko ay natigilan ako dahil..
Nandito pala silang lahat.
Pati si Flint.
Kalong-kalong ang anak niya.
"Lein." mahinang tawag ni Eris. Ayaw ko namang magpaka-bitter kasi matagal na rin ng nagkahiwalay kami. Tsaka wala naman silang ginawang masama sa akin. Kaya nginitian ko na lang siya ganun din yung tatlo.
BINABASA MO ANG
HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPH
FantasyHidden: Xerxes Academy (The Earth Dimension) Published under Immac PPH Ashleighnielle is an astute woman who shows her shrewdness and her ability to notice and understand things clearly. Throughout her existence, being a sagacious mortal only makes...