Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
Ash's POV
"Tita Ash! Sumama ka na sa amin. Dun ka na lang sa bahay namin nina Tito Flint at mga friends niya. Please."kanina pang pakiusap sa akin ni Aenon. Katatapos lang ng hapunan namin sa palasyo kasama silang lahat at itong si Aenon ay kanina pang naka-kapit sa akin na parang tuko.
"Aenon. Tara na." I heard Flint's voice. Siguro eh siya ang guardian ng bata kaya siya yung laging nananaway dito.
"Ayoko. Gusto ko kasama si Tita Lein. Please Tita." pagpapa-cute pa sa akin ng bata. Ano bang gagawin ko? Hindi naman kasi pwedeng sumama ako at tumira kasama nila kasi hindi na ako komportable lalo na kapag nakikita ko si Flint. Hello?May nakaraan kami. Hindi sa naapektuhan ako pero awkward kasi.
"Ah. Hindi pwede si Tita eh. May pag-uusapan pa kami ng Lola mo." pag-alo ko sa bata at yumukod para pisilin ang cheeks nito.
"Tita Lein naman eh! I want you nga eh. Tara nga kasi." at mas lumapit pa si Aenon sa akin. Pakiramdam ko mas lalong lumaki ng sakop ng pagkakahawak niya sa pantalon ko.
"Edi hindi ako uuwi."
Napanganga ako sa katwiran nito. Ano to?Nagmana kay Flint? Ayos ah.
"Aenon!" Flint shouted na ikinagulat naming lahat. Hindi ko naiwasang irapan si Flint dahil sa ginawa niya. Maayos na nagsasalita yung bata tapos sisigawan niya lang. Kung anak ko to tapos siya ang asawa ko at ginawa niya yun sa anak namin?Baka hindi ko siya pauwiin sa bahay namin. Masasampal ko talaga siya. Yun eh what if lang. Hindi niya ba alam na mababaw lang ang kalooban ng bata?
"I'm sorry. Shhhh. Stop crying."bawi ni Flint na lumuhod na sa harap ng bata habang umiiyak na nakakapit sa pants ko."Uwi na tayo." he added.
"A-ayoko! Gusto ko kasama si Tita Lein!"nanginginig na saad ni Aenon. Sus ginoo naman. Anong gagawin ko?
"Hindi nga pwede. Tara na umuwi na tayo."utos niya sa bata pero mas lalong lumakas ang iyak nito. Eh mahina ako sa mga ganitong bagay eh. Lalo na at bata tapos umiiyak pa.
Napatingin ako kina mama na parang nakikiusap na 'pagbibigyan ko ang gusto ni Aenon para tumigil na ito sa pag-iyak'.Wala na akong choice eh. Balak pa man din sana nina mama na dito ako sa palasyo patulugin para makasama ko sila. Makausap man lang.
Napangiti na lang ako ng tinanguan nila ako. Wag kayong maano diyan. Sasama ako sa kanila para kay Aenon lang okay? Kay Aenon lang. Tsaka wala akong magagawa kung gusto niya na sumama ako. Hays buhay nga naman. Agad akong lumuhod sa harapan ng bata at pinahid ang mga luha nito.
"Shhhh. Stop crying baby. Sige na. Sasama na ako."
Ang kaninang umiiyak na si Aenon ay naka-ngiti na sa akin ng pagkakalapad-lapad. Kung hindi ito ngumiti sa akin baka umatras pa ako.
"Really? Really? Talaga?" paulit-ulit niyang tanong kaya tumango na lang ako. Kitang-kita ko sa mata niya ang saya. Alam kong nami-miss niya lang ang nanay niya kaya ganito.
"Yehey! Yes! Yes! Thank you Tita Lein!Mwaaa!" pagpapa-cute niya sa akin kaya agad ko itong kinarga. Talagang mana nga kay Camile ang batang to dahil parehas sila ng nanay niya na makulit. Kahit pa may pagkamaldita yun eh mabait din naman ang isang yun. Madalas. Mas lalo tuloy akong na-curious sa kung anong nangyari noon. Kung natuloy pa rin ba ang kasal? Kung bakit iba ang asawa ngayon ni Camile? Bakit hindi si Flint? Bakit namatay si Camile kasama yung tatay ni Aenon?Tang-ina! Napakarami kong na-missed. Sinenyasan ko naman si Flint na tumayo na kasi nakaluhod pa rin siya sa harapan namin. Hindi ba siya nangangalay?
BINABASA MO ANG
HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPH
FantasyHidden: Xerxes Academy (The Earth Dimension) Published under Immac PPH Ashleighnielle is an astute woman who shows her shrewdness and her ability to notice and understand things clearly. Throughout her existence, being a sagacious mortal only makes...