Chapter 30

1.5K 51 2
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction.

Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.

***

Ash's POV

"Ba-bye Tita Lein! Balik kami mamaya." sabay kaway ni Aenon na akay akay nina Eris. At ito na nga. Mag-uusap na nga pala kami. Huwag sana akong patayin nito. Lagot siya kay mama at papa. Pinagmasdan ko muna ang paglalakad nila at nung hindi ko na sila natanaw ay pumasok na ako sa loob.

"Tang-ina mo!" I exclaimed na pagkalingon na pagkalingon ko ay nasa likuran lang si Flint. Napakalapit. Ano bang pumasok sa utak ng hinayupak na to at bakit ba sa laki nitong bahay ay dun pa siya pumuwesto. Aatakihin ako sa puso.

"Bibig mo Ash." I just rolled my eyes at agad akong umiwas at dali-daling umupo sa sala. Sumunod naman siya at umupo sa harapan ko.

"Magsimula ka na." tanging nasabi ko.

"Mahahanap din natin si Lein. Can you please stop drinking Flint!" pananaway ni Eris. Inililigpit na rin nina Wade at Aiden ang mga bote ng alak na nagkalat. Wala silang choice kundi ang linisin ang kusina dahil sama-sama naman silang nakatira doon.

Tatlong araw.

Tatlong araw simula ng makuha ng dark xenon si Lein. Hindi nila alam kung paano nila pupuntahan si Lein dahil bukod sa hindi ibigay sa kanila ang mapa ay bantay sarado sila dahil ayaw silang paalisin ng palasyo dahil delikado. Sinabihan sila ng nakatataas na huwag ng mag-alala dahil ipinapahanap na si Lein pero tatlong araw na ang nakakalilipas ay wala pa ring nangyayari.

"Lalabas muna ako."paalam ni Flint. Pasuray-suray siyang naglakad palabas ng bahay nila. Hinayaan na muna ng apat ang pag-alis na yun Flint dahil baka mag-away na naman sila. Dati ay muntik niya na ng masunog ang bahay. Alam naman nilang hindi mapapahamak si Flint. Takot lang ng mga estudyante sa kanya at isa pa, imposible namang makalabas siya ng campus eh may mga bantay. Kung hindi man umuwi ito ay madali lang nila itong mahahanap.

Tama nga sila. Hindi nga umuwi si Flint ng gabing iyon. Kinuha na rin nila ang pagkakataong iyon para linisin muli ang bahay nila dahil kay Flint. Hindi man nila magawang magreklamo dahil naiintindihan nila kung ano ang nararamdaman ni Flint.

"Fuck!" hiyaw ni Flint ng maramdaman niya ang sakit ng ulo niya dahil sa pag-iinom niya kagabi.

"What the hell!" hiyaw niyang muli ng makita niya ang sarili niya sa ibang higaan.

Wala siyang saplot.

Nagkalat ang mga damit sa sahig.

"Flint?"

Nagulat si Flint ng makita niya si Camile sa harapan niya na kumot lang ang nakatapis sa kanya.

"Flint let me explain."

"Sabihin mo! May nangyari ba sa atin!?" hiyaw ni Flint habang niyuyugyog ang mga balikat nito. Hindi siya makapaniwala sa nangyari dahil una at higit sa lahat ay may Ash siyang hinihintay. Napasapo na lang siya sa kanyang ulo dahil sa nangyari.

HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon