Chapter 4

3K 94 2
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction.

Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.

***

Ash's POV

Tahimik ang paligid. Mahimbing na natutulog ang mga nobles habang ako naman, hindi pa rin makatulog. May insomnia ako tsaka natulog naman ako kahapon ng tanghali kaya hindi na ako magtataka kung bakit hindi ako dalawin ng antok ngayon.

Bumaba ako sa kusina at uminom ng tubig. Tubig at mga hilaw na ingredients na animo'y hindi nagalaw ang nakikita ko sa ref nila. Hindi na rin ako magtataka dun kasi syempre,kapag mayaman, hindi mo na kailangan pang magluto dahil tiyak na pagsisilbihan ka lang. Ako? Kahit spoiled ako ni dad,marunong pa rin naman ako ng gawaing bahay kasi ang dahilan ni dad "Paano na lang kapag nag-asawa ka na?Paano na kayo?" yun ang palagi niyang sinasabi. Eh mukhang hindi na mangyayari yun dahil sa pinasok kong ito. Tsaka hindi nila sinabi sa akin na ganito pala ako.

"Tang-ina!" I exclaimed ng may kamay na kumuha sa akin ng pitsel na ngayon ay hawak ko pa rin.

"Cursing is bad babe." talagang nakakaputang ina na talaga tong hinayupak na to. Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta na lang ako sa sala para huminga-hinga. Nag-babawas ng inis.

"Can't sleep?" he asked. Lumayo ako ng bahagya sa kanya dahil sobrang lapit niya sa akin. Kapag hindi ako nakapagpigil, baka mapatay ko pang to hayop na to.

"Insomnia." I replied coldly para tigilan niya na ako. Baka mas gustuhin ko pang matulog kaysa manatiling gising na siya ang kaharap ko. Kaso, hindi ko alam kung paano ko gagawin yun. Eh hindi naman kayang kontrolin ang insomnia eh.

"Same." napatingin ako sa sinabi niya. May kadamay pala ako kung ganun. Pero kahit na, noble pa rin tong kaharap ko at tiyak na mapapatay ako ng fan girls niya lalo na yung girlfriend kapag nagkataon. Kailangan kong mas dumistansya dito dahil kapag nagkataon, baka mamatay ako ng maaga.

Lumabas ako ng bahay at dumeretso sa enchanted garden. Bigla naman akong nakaramdam ng di maganda dahil sa lamig ng hanging humampas sa akin. Kakaiba pala talaga dito kapag gabi. Nakakatakot.

"Bakit lumabas ka pa?"

"Para di ka makita." I replied straightforwardly. I heard him chuckled kaya nakaramdam ako ng asar dahilan para higitun ko pataas ang collar ng damit niya. I saw him smirked at me. Lalo akong naiinis.

"Do you like me?" he asked. Nanlaki ang mata ko sa tinanong niya. Inaasar niya ba ako? At saan naman niya nahugot ang lakas ng loob niya para tanungin niya ako ng ganun? Agad kong kinalma ang sarili ko at pinahid ang luha ko, umiiyak na pala ako, hindi ko naman namalayan na dahil sa dami ng isiping bumabagabag sa'kin. He really reminds him of dad at hindi ko magawang patulan siya. Hindi ko kaya.

Agad naman akong tumalikod para bumalik na sa kwarto kasi hindi naman na ako makakahinga dito ng maayos kung makikita ko parin siya. But at the second time, he pulled me again and this time, he hugged me.

Hindi ako makaalis.

I really felt dad's arms in me. Bwisit.

HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon