Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
Ash's POV
"Pahinga muna tayo."tanging nasabi ko. Tinanguan lang ako ni Riekha kaya naupo kami sa ilalim ng puno ng narra. Mukhang nakalabas na kami ng Ark Forest kasi wala na akong nakikitang puno ng mansanas. Ang nakikita ko na ngayon ay mga nagtataasang puno at mga pakalat-kalat na pakwan sa paligid. Ano to? Minecraft?
"Lein?"
"Oh?" I asked after she sudden called me.
"Violet highlights really suits you." agad namang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya .Ano kamo? Violet highlights?Ano to? Prank?
"What? Di mo gusto? Just look at the river at tingnan mo reflection mo." she said. Plano ko talagang tumakbo sa ilog kanina pa pero naunahan niya ako. Lintik lang talaga.
I suddenly froze when I saw my reflection from the river. Umaagos man ang tubig kaya hindi stable ang nakikita kong reflection ko pero sapat na yun para makitang kong tama nga ang sinabi ni Riekha. Nakita ko ng ganito ang itsura ko noong 18th birthday ko. Akala ko nanaginip lang ako pero ito na ang itsura ko ngayon.
"Napaka-swerte ng boyfriend mo dahil nagkaroon siya ng girlfriend na katulad mo." she said out of nowhere. Ako naman itong hindi alam ang gagawin kung dapat ba akong kiligin or what?
"Kung alam mo lang. Bago kami umabot sa puntong yun ay muntik pa kaming magpatayan." nasabi ko na lang. Paano nga kung napatay ako ng lintik na iyon edi wala siyang kaharap na Lein ngayon?
"Normal lang yun. Hindi ba't mas nagiging matibay ang relasyon kapag nagsimula sa ganun. Ibig sabihin, kapag nag-away ulit kayo eh kaya niyo ulit ayusin kasi napagdaanan niyo ng magka-rambol." hindi ko mapigilang mapangiti. Ang inosenteng si Riekha? May alam sa mga ganitong bagay?
"Mabait ka at maganda. Now I know the reason why your boyfriend fell inlove with you. Kung lalaki ako? Baka ligawan kita."natawa na lang ako sa sinabi ni Riekha. Nagkunwari na lang ako na alam kong ganito na pala ako kahit ngayon ko lang nalaman. Kailan pa to? At bakit hindi ko rin napansin.
"Sira! Ano ka? Tibo?"
"Kung pwede. But straight to Lein. Lalaki pa rin gusto ko. Kung lang naman." she replied and then that scenario happens again. The nonstop asaran na naman. Pero natigil kami ng marinig kaming kaluskos mula sa damuhan. Agad naming inihanda ang sandata namin at nagmasid-masid sa paligid.
"Kung sino ka man, lumabas ka ngayon din." matapang na saad ni Riekha.Hanga na talaga ako sa katapangan ng babaeng to. Yung feeling na kahit hindi talaga niya nakasanayan na lumaban ay ito pa rin siya at parang isang warfreak na estudyante na naghahamon ng away sa kabilang section.
Napa-atras na lang kami ng isang halimaw ang tumalon mula sa damuhan. Agad umatake ito sa amin kaya wala kaming choice kundi atakihin din ito. It was big black bear with hard spikes on its body. Tila nagliliyab din ang mga mistulang malalaking tinik na yun sa katawan niya. Malapating ang mga ngipin nito sa sobrang dami at sobrang tatalas at grabe din kung maglaway. Hindi normal na laway ang tumutulo dito at malamang sa malamang may epekto din ito sa makakalaban nito.
BINABASA MO ANG
HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPH
FantasyHidden: Xerxes Academy (The Earth Dimension) Published under Immac PPH Ashleighnielle is an astute woman who shows her shrewdness and her ability to notice and understand things clearly. Throughout her existence, being a sagacious mortal only makes...