Chapter 23

1.4K 56 5
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction.

Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.

***

Ash's POV

"Apo ko."

Boses na ikinagulat ko at nagpatigil sa akin. Nang kumalas ako sa yakap ay hindi na si Riekha ang kaharap ko ngayon. Hindi na siya ang nakayakap sa akin.

"Lola Imelda!?" I exclaimed.

"Ako nga apo."

Ako ngayon ang tulala at hindi malaman kung anong nangyayari. Napa-atras ako dahil sa gulat pero palapit ng palapit ang bulto ng hindi ko alam kung si Lola nga ba o hindi. Sa paglapit ay naging pabago-bago ang anyo nito na parang nagla-lag na cellphone.

"Lein!"

"Huwag kang lalapit Riekha." babala ko at patuloy na umaatras. Wala akong pake kung ano man ang nasa likuran ko.

"Apo ko!"

"Sinabi ng huwag kang lumapit! Hindi ikaw ang lola ko! Nasaan ang lola ko!?Nasaan si Riekha!" sigaw ko pero patuloy pa rin ito sa paglapit.

"Lein!"

"Apo ko!"

Paulit-ulit at halinhinang hiyaw sa akin ng papalapit na ito. Agad kong itinaas ang espada ko at dahan-dahan sa pag-atras.

"Sinabi ng huwag kang lalapit!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinaksak ang taong nasa harap ko. Inaasahan kong mamatay ito sa harapan ko dahil isinakto ko ito sa dibdib nito pero bigla itong naglaho sa harapan ko.

"Tang-ina mo! Huwag kang duwag! Alam kong ikaw yan Hades!" I shouted. Wala na akong iba pang maisip kung sino ang gagawa ng kawalang-hiyaan na ito sa akin. Ano bang trip ng hudas na yun!?

"Matalino ka Princess Zachaeyya!" napalingon ako ng may nagsalita sa likuran ko pero huli na ng magawa ko ito.

"Matalino ka pero uto-uto ka rin kagaya ng nanay mo." Hades said at napahawak ako sa tiyan ko na tumutulo na ang dugo dahil sa espadang nakatarak dito. "Mamamatay ka na."

---

"Lein!Nananaginip ka!" napabalikwas ako dahil sa hiyaw ni Riekha. Iniikot ko ang paligid ko at nandidito pa rin ako sa puno sa tabi ng ilog at kaharap si Riekha. Napatingin naman ako sa bracelet na nasa kamay ko at nakitang nandito pa rin yung binigay ni Riekha. Tang-inang panaginip yun.

"Nang maibigay ko kagabi sayo ang bracelet eh nawalan ka ng malay kagabi habang nakayakap sa akin. Sabi ko naman sayo eh. Dapat nagpahinga ka na lang kahapon." litaniya niya kaya napahinga ako ng maluwag. Akala ko eh kung ano ng nangyari. Panaginip lang siguro pero bakit parang totoo?Namamalikmata lang ba ako o talagang nami-miss ko lang si lola? Ayoko pang mamatay pero bakit parang totoo ang lahat?

HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon