Chapter 9

2.1K 78 2
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction.

Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at  mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.

***

Ash's POV

"You are now going to train how to use bow. Since nandito tayo sa training room, alam niyo naman siguro na hindi pwede magrelease ng magic. Kahit pilitin niyo,walang lalabas. Gusto kong matutunan yung normal na bow bago niyo samahan ng magic niyo. Maliwanag? Get your things and the target will reveal the points." paliwanag ng prof namin. Walang ganang kinuha ko ang isang bow at pumuwesto. Katabi ko si Eris at rinig na rinig ko ang pagtawag niya pero di ko pinansin.

Nagsimula na ako. Ramdam kong tumama yung mga arrow sa target pero di ko alam kung mababa ba o mataas ang puntos dahil sa layo nito.

"Lein. Kausapin mo naman kami." rinig kong pagmamakaawa ni Perrie.

"Let's talk about this. Wag namang ganito." Eris said. Nabitawan ko yung hawak kong arrow dahil sa inis

*Booogggssshhh!*

Napatingin silang lahat habang gulat gulat dahil sa pagsabog na yun. Pati ako pero di ko na lang pinahalata. This training room was made for physical training without using any magic pero napasabog ko yun. It's just that hindi ko na-kontrol ang inis ko tapos nagkaganyan na. Ano ba kasing mga pinagtututuro ni Lola sa akin.

"Le-Lein." mahinang usal ni Eris.

"Anong nangyari?" lumapit sa amin ang prof namin. Hinawakan ng prof namin ang kamay ko at napansing nanginginig ito at dumudugo. Hindi ko na yun naramdaman pa.

"Anong nangyari sayo Lein? Tara sa clinic." malumanay na sabi ng prof namin. Agad naman akong sumama kaysa naman sa kaharap ko yung lima. Baka hindi ako makapagpigil at makapatay talaga ako.

"Maiwan na muna kita at babalikan ko lang yung lima. Magpagaling ka Lein." saad ng prof namin bago ako iniwan sa clinic. Takte. Kaaalis ko lang dito kahapon tapos nandito na naman ako ngayon. Tangina.

"Hindi mo na-kontrol ang magic mo. For now, konting magic lang marerelease mo kasi nilagyan ko ng benda ang kamay mo. Lein, wag mong pabayaan ang sarili mo." litaniya ng healer. Araw-araw ko na yata tong makikita dito.Actually, she's just around 20's pero para na siyang nanay kung magpayo.

"Kasalanan na naman ba ng kapatid ko?" she asked. Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Sinong kapatid? Palagi kaming nagkikita dito sa clinic tapos ngayon niya lang nabanggit na may kapatid siya. Ay hanep.

"Sinong kapatid?" I asked. Just curious.

"I'm Heakieshar Breenthea Arell. Sorry for my brother's attitude." she replied so my jaw literally dropped.

"I know, you won't believe me but yes. Flint is my brother. You can also hate me if you want to." she said. This healer really amaze me. Magkaibang-magkaiba sila ng ugali ng kapatid niya. She angel and her brother is a demon. Dahil sa kagaguhan niya, two of us including his sister is suffering. Me physically and mentally while his sister losing her energy to heal me.

"I also know about what happened a month ago. Kaya nga nagpresenta ako na ako na ang gagamot sayo. My brother is really a stubborn." she also said. Kaya ba ang dami niyang alam sa mundong ito lalo na sa ice users? Yung tungkol sa ako daw ang magliligtas sa mundong ito, na mag-ingat daw ako. I now understand.

HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon