Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
Flint's POV"Daddy? Asan na po si Mommy Lein?One month ko na po siyang di nakikita."Aenon asked me. Palagi niyang tinatanong sa akin ang mommy niya pero paano ko sasabihin sa kanya na kinuha na ng lilang liwanag ang mommy Lein niya. Paano ko sasabihing naglaho na ang babaeng mahal ko dahil sa pagliligtas niya sa akin at sa pagligtas niya sa aming lahat. Paano ko sasabihin sa kanya na nawalan na naman siya ng nanay sa pangalawang pagkakataon.
Namatay sa kamay ni Ash ang mga dark xenon kasama si Hades at si Ate Thea na anak niya pala pero kapalit nun ang buhay ni Ash. Dapat ako yun eh. Dapat ako yung mamatay ng mga oras na yun. Kakasabi ko lang sa kanya na poprotektahan ko siya pero ako yung pinorotektahan niya. Ako yung iniligtas niya. Ako yung nabuhay na dapat ay siya.
Napakabuting tao ni Ash at kahit sa dinami dami ng mga naging atraso ko sa kanya ay minahal niya pa rin ako. Kahit na ganito ang ugali ko.
"May pinuntahan lang ang mommy mo kaya wala siya." tanging palusot ko sa kay Aenon. Isang buwan. Isang buwan ng matapos ang labanan at hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin kami sa pagkawala ni Ash. Kung kailang ikakasal na kami, saka pa siya nawala.
"Pero daddy. Miss ko na po si mommy eh. Kailan po siya babalik?" natigilan ako sa tinanong ni Aenon.
Hindi ko na napigilang maluha dahil sa tanong sa akin ng bata. Paano ko sasabihin sa kanya na hindi ko alam. Na hindi na makakabalik ang mommy mo kasi kasama na siya ng mama Camile at papa Kit niya?
"Wala siyang sinabi eh pero babalik ang mommy Lein mo." pag-alo ko sa bata. Hindi ko alam kung bakit ngayon siya mas maraming tanong. Kung bakit mas palagi niya pang itinatanong sa akin ang tungkol kay Ash kaysa sa mga tunay niyang magulang. At dahil dun? Mas lalo akong nahihirapan na sagutin ang mga tanong niya. Paulit-ulit.
"Okieee. Bakit po may mga flowers dito?"he asked. Napatingin ako sa tinutukoy niya. Nandidito kami sa ilog kung saan nangyari ang huling labanan. Napakaraming namatay. Napakaraming nawala. Ang ibigsabihin ni Aenon ngayon ay itong kinatatayuan namin. Nandito kami sa kung saan ako muntik ng mamatay. Nandito ako kung saan sinalag ng babaeng mahal ko ang palasong tatama sa akin habang may nakatarak sa kanyang espada.
"Ahhh. Kasi kapag naglagay ka daw dito ng flowers? You can wish whatever you want." I lied. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magpapalusot sa mga tanong niya. Alam kong mahal na mahal niya si Ash at ayokong mabigla siya sa mga nangyari. Na-kwento din sa akin nina Perrie na pagkarating na pagkarating pa lang daw ni Hades ng mga oras na yun ay agad silang sinabihan ni Ash na ilayo agad si Aenon kasi ayaw niya itong mapahamak. Napakabuti niya talaga. Sobra. Kaya hindi ako nagkamaling mahalin siya at hindi din ako nagkamaling patuloy pa rin siyang mahalin hanggang sa huli kong hininga.
"Talaga po daddy. I want to put flowers din po." he said. Pinagmasdan ko naman siyang pumitas ng bulaklak sa tabihan at bumalik dito sa pwesto ko. "I'm going to put these flowers here. My wish? I want mommy Lein back." he said and put the flowers. Mas lalo akong nahirapang huminga dahil sa ginawa ni Aenon.
"Ibigsabihin? Babalik na si mommy?"
Hindi ako nakaimik. Kung ganun lang sana kadali. Kung isang hiling mo lang talaga ay matutupad agad. Pero hindi eh.
BINABASA MO ANG
HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPH
FantasyHidden: Xerxes Academy (The Earth Dimension) Published under Immac PPH Ashleighnielle is an astute woman who shows her shrewdness and her ability to notice and understand things clearly. Throughout her existence, being a sagacious mortal only makes...