Chapter 29

1.5K 58 1
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction.

Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.

***

Ash's POV

"Good morning Tita Lein!" napapitlag ako ng sumulpot mula sa likuran ko si Aenon. Ang aga aga pa ah. Six am palang at nagluluto ako ngayon ng agahan tapos gising na agad siya? Ibang klase.

"Good morning din. Ang aga mo ah. Do you need anything?"I asked. Dere-deretsong naman siyang umupo sa upuan na nakaharap malapit sa pinaglulutuan ko. Kinusot-kusot pa niya ang mata niya sabay nag-inat. Cute.

"Wala po. Akala ko po kasi umalis kayo eh." he said. Kaya agad akong lumapit sa kanya then I pat his head.

"Bakit ko naman gagawin yun?" pag-alo ko sa kanya. Humikab ulit siya sa harapan ko at nginitian ako. Parang gusto ko na tuloy magka-anak. Joke

"Eh wala ka na sa kwarto eh." sabay kamot niya sa ulo. Siguro ay trauma na ang batang ito dahil nga wala na ang mga magulang niya. Eh ano nga ba talaga ang nangyari? Kanina pa akong kating-kati na tanungin ang bata pero wag na lang kasi nga, baka hindi niya pa alam ang mga nangyari noon kasi napakabata niya pa lang. Siguro ang alam niya lang, eh nasa heaven na ang mga magulang niya. Yun lang. Ano pa nga bang ini-expect mo sa batang tatlong taong gulang pa lang?

"Nagluluto lang ako. Gusto mong milk?" I asked. Nakasalang pa kasi ang niluluto ko eh. Nakakamiss lang. Ipinagluluto ko din kasi yung lima dati tapos ginawa ko din to kay Kelly. Speaking of Kelly? Kamusta na kaya siya? Kamusta na kaya ang kompanya nila. Siguro eh masayang masaya ang magulang niya ng umuwi siya sa Pilipinas. Gustong gusto ko siyang kamustahin pero paano? Hindi naman ako makakatawag sa kanya kahit na may cellphone ako.

"Sige po." he answered kaya agad akong nagtimpla ng gatas at kumuha ng biskwit sa cabinet. Napakaaga kasing gumising ng batang ito tapos hindi ko pa natanong kina Eris kung anong mga kinakain niya. Malay natin, allergic pala siya. Mahirap na. Baka sabihin pa nila ay balak kong patayin ang bata like what the heck! Di ko naman kayang gawin yun kahit na nabalitaan kong ikakasal noon ang nanay niya at si Flint Malay ko ba kung natuloy ang kasal tapos nagkahiwalay din at nag-asawang muli si Camile. Tatlong taon din yun kaya alam kong maraming nangyari.

"Ito oh." sabay abot ko sa kanya at agad niyang kinagatan ang biskwit niya. Napatingin ako sa pisngi niya habang ngumunguya.Grabe yung pisngi. Pang malakasan eh."Siya nga pala. Anong kinakain mo sa umaga?" tanong ko. Kahapon lang kami nagkakilala ng bata. Mabuti na lang at hindi ako mamatay tao kasi sumama siya agad sa akin. I feel bad now na nagtanong ako kasi ibinaba niya yung biskwit niya at nagpagpag ng kamay.

"Kahit ano. Si Tita Eris ang nagluluto. Minsan eh sa palasyo kami kumakain kasi hindi siya nakakapagluto." natawa na lang ako. Hanggang ngayon pala eh wala pa ring marunong magluto sa kanila maliban kay Eris. Ang problema eh palaging tanghali yun magising kaya talagang sa palasyo sila makakakain.

Hinawakan niya na ulit ang biskwit niya at kumain. Minsan, nakikita kong isinasawsaw niya pa iyon sa gatas niya. Parehas kami. Ganun din ang ginagawa ko kapag ganun ang kinakain ko. Minsan nga kapag tutulog na ako eh dumudukot pa ako ng tinapay kasi hindi talaga pwedeng gatas lang. Kailangan ay magkasama ang dalawang iyon.

"Ano pong niluluto niyo? Ambango naman." sabay singhot niya. Natawa na lang ako kasi may kinakain pa siya tapos masama na ang tingin niya sa niluluto ko. Nahawaan yata ng mga kasama niya dito sa bahay. Eh mga patay gutom ang mga to eh.

HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon