Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
Ash's POV
Tulala akong umalis ng HM room. Wala na akong magagawa pa kundi maki-join na lang sa agos dito sa eskwelahan na to. Alam ng headmaster ang tungkol sa pagkatao ko at patay na rin ang pumatay sa magulang ko. Bakit pa ako nandito? Kasi na-black mail ako. Huwag daw akong aalis kasi nag-iisa na lang akong Ice user. Kapag nagpumilit naman akong umalis,baka naman bitayin ako kasi nagsinungaling ako.Ash naman. Napaka-wrong move.
"San ka galing?" salubong sa akin ni Perrie. Pinilit kong kinalma ang sarili ko at huminga ng malalim. Kahapon lang, gustong gusto kong matuto ng maraming bagay pero ngayon? Ayoko na. Nakakainis na.
"Nag-isip kung ipagluluto ko pa kayo." bigla namang nagning-ning ang mata ng apat. Mukhang kailangan kong makisama sa mga ito kahit na gustong gusto ko silang sumbatan na nagkaka-noble sila tapos di nila alam ang mga nangyayari sa paligid nila.
"Ano? Gutom na ako eh." sabay nguso ni Aiden. Natawa naman ako bigla. Siguro nga, kailangan ko na lang makisama.
"Oo na." No choice kong sagot. "Kalimutan niyo na lang yung deal." dagdag ko pa. Nagtanguan sila, sus, gutom lang yun.
It takes twenty minutes nang matapos kong lutuin ang niluto ko. Daig pang may fiesta sa dami, may magagawa ba ako eh sabi nila eh. Naghanda ako ng sapat na ingredients pero dagdag pa rin sila ng dagdag kasi kulang daw sa kanila.
"Kainan na!" hiyawan ng mga ito.Talagang napaka-inosente nila. Agad silang nagsiupuan at animo'y mga hindi nakakain ng isang linggo dahil sa inusal nila. Nakalimutan yata nilang may isa pa silang kaibigang nagmumukmok sa kwarto. Nang mapansin kong wala silang balak tumayo mula sa kinauupuan nila ay ako na ang nagkusang puntahan ang may dalaw na si Flint sa kwarto.
"Hoy. Kumain ka na." anas ko. Nakatayo ako ngayon harap niya while him, nakapikit siya pero alam kong hindi siya tulog. Nag-iinarte lang.
"Wala akong gana." narinig ko na mga linyahang to kay mom. Yung totoo?Sinapian ba siya ng mga magulang ko? Para siyang si mama kapag nagiinarte at para siyang si dad kung magsalita. Pati boses, kuhang kuha.
"Nagluto ako. Balita ko, ikaw daw ang pinakamalakas kumain." pagbibiro ko. Naalala ko na naman si mom,ganitong ganito palagi ang set up namin. Siguro naman ay masaya na sina mom dahil patay na ang may gawa nun sa kanila.
At hindi nga ako nagkamali. Agad siyang bumangon at tumakbo pababa, akala ko ba? Wala siyang ganang kumain. Natawa na lang ako bahagya.
"Hoy mga patay gutom. Huwag niyo akong ubusan!" hiyaw ni Flint. Nakita kong nagtinginan ang apat na may halong pagkagulat. Dire-diretso lang naman itong umupo at kumain. Nakakatawa silang pagmasdan. Mga royalty ba talaga tong mga kasama ko? Eh mga mukhang pulubing nag-aagawan sa iisang pirasong tinapay. No offense ah pero ganun talaga eh.
"Anyare sayo Flint?Anong nakain mo at bigla ka naman yatang alam niyo na." Wade said. Nagsi-sang ayon naman yung iba na hindi na makapagsalita dahil sa bilis ng pagnguya. Jusko ang panga. Masyadong nababatak.
BINABASA MO ANG
HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPH
FantasíaHidden: Xerxes Academy (The Earth Dimension) Published under Immac PPH Ashleighnielle is an astute woman who shows her shrewdness and her ability to notice and understand things clearly. Throughout her existence, being a sagacious mortal only makes...