Chapter 25

1.5K 55 5
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction.

Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.

***

Ash's POV

"Lein! Can you pass to me the pallet please?" I heard Kelly's voice.

"Tumigil ka bruha! Pa-english english ka pa eh hindi ka naman amerikana!" reklamo ko sabay abot sa kanya ng make-up pallet. Balak ko pa nga sanang ibato sa kanya kaso nasa harap kami ng mga models na inaayusan namin. Runaway models here in NYC. Hindi ko naman alam na dito sa America ang bahay na sinasabi ni lola.Napakalayo.

"The brush please."

"Isa pa Kelly. Susungalngalin kita diyan eh." anas ko at tinawanan lang niya ako. Hindi ko alam kung anong drugs ang nainom niya at ganyan siya kabaliw.

"Joke lang. Ito naman oh. Gisulayan ra nako. Mahimo ba nimo? Mahinungdanon ba kini kanimo. Ug usa pa, ingon ka usa ka Amerikana. Gwapa kaayo ka"

Napahampas na lang ako sa noo ko. Bisaya ba naman? Eh wala akong naintindihan dun eh.

"Sabi ko, bakit di ikaw mag-try. Mukha ka rin kayang Amerikana. Aminin mo na kasi sa akin na may lahi ka." lalo akong napailing. Wala ngang lahi ang mga magulang ko pero may kapangyarihan naman. Paano ko naman sasabihin sa kanya yun? Aber?

"Wala nga sabi eh. Tsk." sabay bato ko sa kanya ng make-up sponge. Swerte niya kasi kung plantsa ng buhok o di kaya naman blower ang nahagip ko, baka yun ang naibato ko sa kanya.

"Ayaw mo pa kasing tanggapin yung offer ng management na maging model ka rin. Sa ganda mong yan? Akala ko nga nung unang pagkikita natin eh isa ka sa mga to eh." she said sabay turo sa mga nakahilerang babae na inaayusan namin. Ano bang klaseng mata meron ang babaeng to?

Ng makalabas ako sa portal na ginawa ni Lola ng gabing yun ay dinala ako nito isang napakalaking bahay. Infairness. Maganda nga. Two floors with complete set of  things that I needed. Kahit na stocks ng pagkain, meron. Nadesisyon ako na sumilip sa bintana para malaman ko kung nasaan ba ako pero laking gulat ko ng pagsilip ko sa bintana,

Sabi ko gusto kong lumayo sa Xerxes pero hindi ko sinabing ganitong kalayo. Tang-ina! Bakit nasa NYC ako? Pare New York City!

Ng dahil sa kaabnuan ko ay sumilip ulit ako sa ibang bintana. Baka kasi namamalikmata lang ako pero hindi eh. Nasa siyudad pa ako at napakaraming buildings and posters. Ayos kausap ni lola talaga. Malayo nga. Sobrang layo.

Ikinain ko na lang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko. Siguro? Nagsasaya na ngayon ang bagong kasal na yun. 19 years old? Nakabuntis? Hanep! Tigang na tigang?

Habang kumakain ako ay nakarinig ako mg hikbi mula sa labas ng bahay. Itinigil ko ang pagkain ko at baseball bat ang unang nahagip ng kamay ko. Pwede na siguro to.

"Huwag po!" habang nakatakip ang kamay sa mga mukha niya animo'y pansalag. Napansin kong babae ito at umiiyak ito kaya binitawan ko na ang baseball bat na hawak ko na balak ko pa man din sanang ipanghampas.

HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon