Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
Ash's POV
"Yeah. I like someone else. And his name? His name is Dale." tanging nasabi ko.
Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Flint ganun na din ang apat. Alam kong alam nilang lahat na Dale ang tawag ko kay Flint noon. Kaya naman nagkabukingan na may gusto si Flint sa akin noon (ganda yern?) ay dahil nga pumayag si Flint na tawagin ko siya sa pangalang ako lang ang tumatawag sa kanya. Tsaka ambabata pa namin noon kaya minsan ay naki-cringe ako kapag naalala ko yung mga pinaggagagawa namin noon lalong lalo na ang paglalaro namin bahay-bahayan.
"A-ako?" natawa ako. First time yatang mautal ni Flint. I mean, ni Dale.
"I remembered na sinabi ko yun noon para tigilan nila tayong asarin." I said att kung titingnan ko si Flint? I mean si Dale ngayon? Nalilito ako lung anong itatawag ko sa kanya pero bumalik na man ako dito ayusin ang lahat diba. Napatingin ulit ako kay Flint. Ano? Nanalo sa lotto ang peg?
"Hoy Flint! Umayos ka! Yung panga mo baka ma-dislocate." pang-aasar ni Aiden. Akala ko ay magagalit ito pero nginitian niya lang si Aiden. Problema ng lalaking to ngayon?
"Gago! Tang-ina! Kinikilig ako."
Gago! Tang-ina! Kinikilig ako..
Gago! Tang-ina! Kinikilig ako..
"Hayop! Marunong ka pala nun pre!" pang-aasar ni Wade na ikinahagalpak nung dalawang asungot. Hindi na rin namin mapigilang hindi matawa. At kung maghahanap ka ng lalaking napaka-straight forward? Siya yun. Harap-harapan niyang sinabi na kinikilig daw siya.
"Huwag mong sabihin na hindi ka nakakaramdam nun pre? Lagot ka kay Perrie." pang-aasar ni Flint. Natawa ako ng batukan ni Perrie si Wade dahil na-wrong move ang mokong.
"Syempre naman." Wade said at kinindatan si Perrie. Umakto naman itong nasusuka kaya nagtawanan na lang kami. Ganyan sila mag-asaran pero kung makikita niyo lang kapag nagseseryoso yang dalawang yan? Mukha silang mag-asawa na fifty years old nang kasal kung maglambingan.
"Dalhin ko na muna sa taas si Aenon." pamamaalam ko at binuhat na ang bata. Baka magising pa ito sa katarantaduhan ng mga Tito niya. Medyo maingay na eh.
"Samahan na kita." wala naman akong nagawa kundi ang tumango na lang. Nakita ko naman ang tingin nila sa amin na nang-aasar. Alam ko kung anong mga kahalayan ang iniisip nila. Susmaryusep.
"Ihahatid lang ang bata ha? Baka naman sa langit niyo ihatid ang isa't-is—Aray!"
"Magtigil ka Aiden!" we both exclaimed. Ano pa nga bang aasahan sa isang yun eh halos lahat yata ng kamanyakan ay sinalo niya. Buti na lang mahal na mahal siya ni Eris. Who knows? Baka mabait yan kapag si Eris lang ang kasama. Ganun naman diba? May kakaibang side ka na gusto mo ay taong mahal mo lang ipakita ?At ako?Yung side ko na tinutukoy ko? Yung sira-ulo at palamurang si Ash. Dun ako mas komportable eh. Tsaka dun ko makikita kung tanggap ba ako nung tao or what?
Agad kong ibinaba si Aenon sa crib niya at inihiga. Baka siguro mga next week eh pwede ng alisin ang crib niya kasi hindi na niya masyadong maituwid ang katawan niya.
BINABASA MO ANG
HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPH
FantasyHidden: Xerxes Academy (The Earth Dimension) Published under Immac PPH Ashleighnielle is an astute woman who shows her shrewdness and her ability to notice and understand things clearly. Throughout her existence, being a sagacious mortal only makes...