Chapter 15

1.9K 57 0
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction.

Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.

***


Ash's POV

Pagkatapos ng klase namin sa history ay dumeretso na kami sa cafeteria. Feeling ko ngayon ay parang katulad nung first day ko dito, nakatingin silang lahat sa akin. Tusukin ko ng ice spikes mga mata nila eh.

"Hi babe." nanlaki ang mga mata ko ng lumapit si Camile kay Flint na kasama namin ngayon. Umatras naman si Flint ng bahagya ng muntikan na siyang yakapin nito. Hindi naman sa nagseselos ako ha?Ang punto ko lang,tama bang ganun ka pa rin sa taong may karelasyon na?

"Is there any problem babe?" Camile asked. Magsasalita na sana ako ng hapitin ni Flint ang bewang ko palapit sa kanya. All students here in cafeteria turned their attention to us and I heard them gasped.

"What's the meaning of these babe?" Camile asked. Kumalas ako sa pagkakahawak sa bewang ko pero mas hinigpitan niya ito.

"Camile. Can you please stop acting na tayo? Lalo na at kaharap mo ang girlfriend ko." he emphasized the phrase 'girlfriend ko'. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa sinabi niya.

Mas lalong lumakas ang bulungan dito sa cafeteria dahil sa sinabing yun ni Flint. Bakit? Di ba pwedeng mag-girlfriend ang isang to?

"What the hell? Paano mo nagawa sa'kin t—"

"Tumigil ka tang-ina ka." Eris said sabay sarado sa bibig ni Camile. Hinila naman na ako ni Flint at umupo na.

Habang kumakain kami ay naging matalim ang tingin sa akin ni Camile and her friends. Bakit naman siya magagalit kung hindi naman pala naging sila ni Flint?

Pagkatapos naming kumain ay dumeretso na kami history class namin kasama ang A-class rank. Kung pwede lang dukutin yung mata ni Camile? Baka kanina ko pang nagawa. As usual, history ng mundong ito ang pinag-uusapan. Hindi na yata matatapos to dahil sa laki ng nito.

*Booogggssshhh!*

Nagsitayuan kami ng makarinig kami ng pagsabog. Dali-dali kaming nagsilabas ng classroom at nakitang sumabog ang isa sa mga classroom na katapat lang ng amin.

"May sampung dark xenons na nakapasok!" hiyaw ng nasa kabila. Nagkatinginan kaming anim. Tang-ina!Nagsisimula na sila.

Lumipad kaming anim papunta sa kabila at nakita namin ang sampung dark xenons na bihag ang lahat ng nasa loob. Classroom pala to ng D-class rank. Nang makita nila kami ay inatake nila kami.

I used an ice shrukien at pinataamaan ang isa mga ito pero hindi ko inakalang naghilom agad ang sugat nito.

"Nalintikan na! Mga nakatataas na hukbo ng Darkian!" I heard Aiden shouted. Napatingin ako at nagulat ng naging doble na ang kinakalaban namin. Ano to cloning?

"Lein! Sa likod mo!" agad naman akong umilag dahil sa sigaw ni Perrie. I saw one of dark xenons almost stab me. Muntikan na.

"Paano mapipigilan ang cloning?" I asked. Tangina! Baka kapag lumaban kami ng lumaban eh mas lalo lang silang dadami tapos kami naman, mapapagod lang.

"Apoy!"

"Apoy?" I asked back. Tumingin ako kay Flint na kasalukuyang ginagamit ang apoy pero wala naman itong epekto.

HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon