Chapter 24

1.4K 51 7
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction.

Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.

***

Ash's POV

"Matagal na kitang hinahanap. Kailangan na nating makabalik sa Xerxes bago pa maikasal si Flint at Camile."

Natigilan ako sa sinabi ni lola.

"Anong sabi niyo?" I asked. Yung kaninang luhang pinipigilan ko ay nag-uunahan na sa pagtulo. Sana hindi yun totoo. Sana hindi yun ang narinig ko.

"Wala. Wala akong sinabi apo ko. Ang sabi ko miss ka na namin kaya kailangan na nating makabalik ng Xerxes." she said at bigla kong binitawan ang pagkakahawak sa akin ni lola at napatawa ng pagak.

"N-narinig ko na k-kayo pe-ro ita-tanggi niyo pa rin sa akin?Alam kong narinig kong ikakasal na F-Flint a-at Camile?" nanginginig kong tanong. Pinipilit kong kumalma at hilingin na nagkamali lang ako ng narinig pero napakalinaw nun. Napakalinaw na magpapakasal na ang taong mahal ko.

Sa iba.

"Hindi ko alam kung paano nangyari at kung bakit na lang nagdesisyon si Flint ng ganun pero alam kong ikaw ang mahal niya. Mapipigilan mo pa siya."

Napaluhod ako sa sinabi ni lola. Para akong sinaksak ng paulit-ulit. Daig pang binubugbog ako ng ilang beses. Tang-ina nga naman oh. Paano ko pa yun mapipigilan kung nanggaling na mismo sa bibig ni lola na desisyon ni Flint yun. Ibigsabihin, hanggang dun na lang kami. Na sa lintik na tatlong buwan na pagkawala ko ay nakahanap na agad siya ng iba. Akala ko pa man din eh hinahanap niya ako.

"P-paano n-nangya-ri y-yun?" nauutal kong tanong pero wala akong narinig na anuman kay lola. Naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin.

"Lola?" nagmamakaawa kong pakiusap.

"Hindi ko alam apo."

"Paanong hindi niyo malalaman eh nandoon kayo Lola. Nalaman niyo nga noon na nobyo ko si Flint kahit wala kayo doon. Lalo na ngayon! Prinsipe si Flint, Lola!" reklamo ko. Pinipilit kong huwag ilabas lahat ng galit ko dahil may respeto ako kay Lola. Pinipilit kong huwag magpaapekto dahil sa mga nalaman ko pero tang-ina! tao lang din naman ako. Nakakaramdam din naman ako.Hindi ako manhid. Alam kong may dahilan kung bakit magpapakasal na sila.

"Nagdadalang-tao si Camile."

Nagdadalang-tao si Camile...

Nagdadalang-tao si Camile...

"Nagdadalang-tao si Camile."

Paulit ulit na rumhistro sa utak ako ang sinabing yun ni Lola. Natawa na lang ako ng pagak. Kung dati, kamuntik-muntikan niya na akong mapatay noon tapos ngayon? Para na rin niya akong napatay. Para niya akong isinamang sumisid na napakalalim na karagatan habang ako?Pinipilit kong kayanin at pigilin ang hininga ko pero siya? Nakaahon na pala. Yung parang naglalaro kami ng tagu-taguan na ako ang taya na hinahanap siya pero umalis na pala siya at umuwi na. Hindi man lang nagpaalam.

HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon