Chapter 21

1.5K 48 1
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction.

Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.

***

Ash's POV

"Nalintikan na! Mga dark xenon!" hiyaw ni Riekha kaya mabilis naming kinuha ang mga sandata namin. I used a fire ball para pigilan ang mga papalapit sa amin kaya nagmadali kaming bumaba ng tree house. Hindi namin inasahan na mas madami pala ang mga naka-abang sa amin kaysa sa inaasahan. Talagang hinahanap ako ng lintik na Hades na yan. Pati ng ang nananahimik niyang anak ay nadamay.

"Riekha! Gamitin mo to!" I shouted sabay hagis sa kanya ng espada. Kahit anong mangyari ay kailangan ko siyang protektahan dahil limitado lang kapangyarihang meron siya. Nag-summon naman ako ng sa akin agad na sumungod. Kada-isang dark xenon na napapatay ko ay ganung beses din ang paglingon ko kay Riekha.

"Ayos lang ako Lein!" sigaw niya at agad sinaksak sa leeg ang sumugod sa harapan ko. Nakita ng gilid ng mata ko ang paglaban ni Riekha at hindi mapigilang di mapangiti. Talagang malaki ang ipinagbago niya. Biruin nyo yun. Nakakaya niyang lumaban kahit di masyadong gumagamit ng magic.

I summon Ice spikes with blue flame. Agad kong pinatamaan sa likod ang mga umatake kay Riekha. She winked at me at basa ko sa bibig niya ang salitang 'Thanks'. Lumapit naman ako sa likuran niya at ipinagpatuloy ang pakikipaglaban. Walang minuto ang sinayang ko kahit na gusto kong magpahinga ay hindi ko ginawa dahil marami sila. I use a water tornado para ikulong ang iba.

"Ahhh!" rinig kong hiyaw ni Riekha kaya agad kong sinaksak ang mga dark xenon na masa harap ko at agad tumakbo papunta sa kanya.

"Ayos ka lang?" may buong pag-aalalang tanong ko. Tumingin ako sa balikat niya na may nakabaon na shrukien .Ako ang nasaktan ng bigla niyang bunutin ito sa balikat niya at nginitian lang ako. Agad ko naman siyang ginamot habang yung isang kamay ko ay ipinanlalaban ko. I use a blue flame tornado with ice spikes using my one hand.

"Ayos lang ako Lein. Sa likod mo!" she shouted kaya lumingon agad. Nahagip ko agad ang espada ko kaya agad ko itong nasaksak. Inalalayan ko si Riekha na tumayo. Mabuti na lang at medyo naghilom ang sugat niya kaya nagawa niya pa rin makalaban.

Ipinagpatuloy pa rin namin ang walang katapusang pakikipaglaban. Si Riekha?Pinanindigan niya yung espadang ibinigay ko sa kanya. Hindi niya binibitawan at natutuwa ako kasi alam kong marami ng dak xenon ang napatay niya gamit yun. Nag-summon ako ng latigo at agad na iwinasiwas yun. Sinigurado ko na hindi tatamaan si Riekha dahil nag-aapoy ito.

"Lein!" she shouted. Agad naman ulit akong napalingon at nakita kong sakal siya ng isang dark xenon kaya nag-summon ako ng dagger at pinatamaan ang dibdib nito kaya nabitawan niya si Riekha.

"Salamat!" she said at iwinasiwas niyang muli ang espada niya. Sunod-sunod na atake ang pinakawalan namin ni Riekha. Mabuti na lang at kahit papaaano ay nababawasan ang mga kalaban. Ibig sabihin ay mga alalay lang to ni Hades at hindi ito katulad ng mga sumugod sa amin noon na may cloning na nagaganap. Siguro ay nagtataka siya kasi hindi na nakabalik ang mga yun.

Napatingin na lang kami dahil sa biglang pagsabog ng tree house namin. Kita ko sa mata ni Riekha ang panghihinayanang at paglungkot. Ilang taon din siyang nakatira dito at ako naman ang nagui-guilty. Simula ng iligtas niya ako ay nakamalas-malas na ang buhay niya.

HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon