Chapter 12

2.1K 73 0
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction.

Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.

***

Ash's POV

"Kayong anim ang puntirya ng mga kalaban. Tumigil sila sa pag-atake simula ng umalis kayo dito." anas ni Headmaster Apollo nandito ngayon sa bahay.

"But they are saying that they want to get the princess. Ibigsabihin buhay pa ang prinsesa kaya inaatake nila tayo ngayon." giit ni Wade.

"Imposible. Nasa propesiya ng tadhana na namatay na ang inyong kaibigan. Ang tinutukoy nila ay ang reyna ngayon. Prinsesa pa lang siya noong panahon ng labanan at gustong ubusin ang mga namumuno sa mundo natin. Mag-ingat kayo dahil puntirya din kayo dahil isa kayo sa mga malalakas na estudyante ng academy." saad ni headmaster. Agad naman kaming napaisip ng seryoso. Posible din yung sinabi ni headmaster at isa pa, kung propesiya na ang may sabi, wala na kaming laban dun. At kung reyna nga ang pakay nila, kailangan namin siyang protektahan.

Nang umalis ang headmaster ay natahimik kaming lahat.

"Anong klaseng usapan yun? Ang usapan ay si Zacchaeyya at Queen Elizabeth lang para matahimik na sila pero bakit pati si Queen Athena?" napatingin ako sa nagrereklamong si Aiden. Hindi na ako magtataka kung ngayon ay pati kasalukuyang reyna ang gusto nilang mapatay.

"Walang kalaban ang hindi gahaman sa kapangyarihan. At sigurado akong kapag napatay nila si Queen Athena? Sila na ang mamumuno dito at sasakupin ang buong Xerxes World." tanging nasabi ko. Bakit naman kami papayag? Hindi no at isa pa ganyang ganyan ang mga nababasa ko sa mundo ng mga tao at hindi ko alam na mararanasan ko pa yun dito.

"Pero di ba? Nasabi mo Lein na may mga dark xenons sa mundo ng mga tao?May mga umaatake din dun diba?" Eris said. Napaisip din ako. Kung si Queen Athena ang gusto nila, bakit nanggugulo pa sila sa mundo ng mga tao?

"Oo. At tatlong beses akong nakakita ng dark xenons pero hindi ko alam kung bakit." puputok na ang ulo ko kakaisip. Unang beses ko silang nakita ay yung nagpa-party kami ng mga kaibigan ko at sila ang nagbigay ang inumin. Wala pa akong idea na masasama sila since hindi ko pa alam nag tungkol sa kanila. The second is when my dad's car exploded. Nakangiti sila sa akin habang nakatayo malapit sa sasakyang sumabog. That time,naghinala na ako at mas napatunayan ko yun nung sumugod na sila sa bahay. Ang natatandaan ko lang ay may hinahanap silang butterfly ring?

"Alam niyo ba ang tungkol sa butterfly ring?" nanlaki naman ang mga mata nila sa sinabi ko. Ano ba kasing meron dun?

"Sing-sing yun ni Queen Athena. Paano mo nalaman Lein?" Wade asked. Mas lalo akong naguluhan. Bakit naman nila hinahanap sa mundo ng mga tao yun eh nandito naman ang may-ari?

"Yun ang hinahanap nila sa amin kaya pinatay nila ang mga magulang ko." I answered. Now, they became confused at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Bakit hinahanap sa inyo? Eh na kay Queen Athena naman yun?" Perrie said. Yun ang kanina ko pang iniisip.Teka-

"Flint. Can you show me again your promise ring?" I asked.

We all gasped kasi paru-paro din ang batong nasa gitna noon. A diamond butterfly ring.

"Teka lang ha. Huwag niyong sabihin na iisa lang tayo ng iniisip." Aiden exclaimed. Anong iisa ang iniisip? Eh ang nasa isip ko lang ay hindi lang ang reyna ang mayroong butterfly ring.

HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon