Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
Ash's POV
"Kasi sinanay mo ang sarili mo na maging ganyan ka. Kaya natatakot kang ngayong ipakita sa iba kung ano talagang tunay na ugali mo." I just said at ipinagpatuloy ang pagluluto ko.
"Kasi iisipin nila na baliw ako. Alam kong ganun ka din nung una." he said. Reality hits me, oo nga. I also think that he is crazy and bipolar. Bakit ba hindi na lang kasi simula pa nung una eh ganun na agad siya?
Teka...
"Patay na ba lahat ng dark xenons?" pag-iiba ko ng usapan. Baka ako pa ang ma-hot seat. Mahirap na.
"Oo. Kasabay ng pagkamatay ng ina at anak ng reyna ngayon." sabay na tugon nina Wade at Aiden. Padabog namang nag-walk out si Flint animo'y dalagang may dalaw. Problema ng isang yun?
"Huwag mo ng intindihin ang isang yun. Kaibigan kasi namin ang namatay na prinsesa. At mas malapit siya kay Flint kaya ganyan yan kapag pinag-uusapan namin ang tungkol sa mga bagay na yun. Limang taon siya nung namatay." pagku-kwento ni Perrie. Tumango-tango na lang ako pero hindi naman ako interasado sa royal family masyado. Kung malaya na ang mundong ito sa dark xenons? Eh sino yung umatake sa amin noon? Kailangan kong makausap si headmaster.
Oo nga pala. Paano nga naman siya magiging Flint na nakasama ko ngayong araw kung nagbago pala siya dahil sa pagkamatay ng prinsesa. Hindi ko rin siya masisisi.
"Pero mas komportable akong kasama ka Ash." I just smiled at him. Maswerte din pala ako kahit papaano, alam niyo yun?Yung may taong sayo lang ganun?
"May iba ka pang kaibigan Flint. Magtatampo sayo yung mga yun." paalala ko. Mas matagal silang nagkasama kaya tingin ko hindi patas. "You should try to open up to them" dagdag ko pa. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon pero sana nakatulong
Nang matapos akong magluto ay agad naming ginising yung apat. Ayaw pa sana nila kaso tinakot sila ni Flint na uubusan daw sila ng niluto ko kaya agad nagsibangunan. Hindi ko maitago kung gaano ako kasaya ngayon kasi kasama ko ang limang to. Well, hindi ko naman talaga ini-expect na makikilala ko tong mga to.
"Grabe! Nakakapagod talaga yun diba Eris?" Perrie asked. Nagkatinginan naman kami ni Flint. Ano? Maglolokohan pa ba kami dito? Eh nagkanya-kanya nga yang mga yan eh.
"Lalo na yung naglihim pero nakipag-date ka. Diba Ash?" pang-aasar ni Flint. Yung mukha nung apat? Hindi maipinta sobrang gulat.
"Alam namin mga sira-ulo. Iniwan niyo nga kami ni Flint. Tsk." reklamo ko. Napahilamos sa mukha si Wade. Eh ano bang masama? Wala namang magagalit diba?
"Kumplikado kasi." Aiden said. Napatungo siya this time, mukhang nagkakaintindihan silang lima tapos ako tong parang tangang clueless.
"Me and Aiden are dating but we are arranged to the other one, and that is Wade." Eris said.
Loading...
Loading..
Loading...
"Nagkagusto sila sa kabilang panig. That's it." singit ni Flint. Ngayon ko lang naintindihan. So si Perrie naman, nakikipag-date kay Wade pero naka-arrange siya kay Aiden? King-ina, ang gulo nilang apat.
BINABASA MO ANG
HIDDEN : Xerxes Academy - (Completed) Published under Immac PPH
FantasyHidden: Xerxes Academy (The Earth Dimension) Published under Immac PPH Ashleighnielle is an astute woman who shows her shrewdness and her ability to notice and understand things clearly. Throughout her existence, being a sagacious mortal only makes...