" Mabuhay ang bagong mayor ng San Ignacio! Mabuhay si Don Carlos Samaniego!"
" Mabuhay!" Sigaw ng mga tao sa plaza.
Natalo ng Don ang matagal ng nasa termino sa pagiging mayor na si Don Ishmael Silverio. Simula ng araw na iyon ay hindi na matahimik ang dalawang angkan. Bawat isa ay nagpapalamangan sa larangan man ng politika at negosyo.
Minsan kapag may mga tauhan ng hachienda ang nagagawi sa lupa ng kalabang angkan ay may nangyayaring masama sa mga ito. May ilan na nakakabalik ng sugatan habang ang iba ay hindi na mahagilap. Hindi mahanap ang kanilang katawan at ipinapalagay nalang na ito'y patay na.
Maraming mga tao ang nagprotesta dahil sa hindi malaman na dahilan ng kanilang pagkawala. Maraming pamilya ang dumaing dahil nadadamay na sila sa away ng dalawang angkan.
Dahil dito at sa pangamba na baka ito lang ang maging dahilan ng pagkatalo ng mga Samaniego sa susunod na eleksyon ay napagpasyahan ng Don na tapusin na ang mahabang sigalot ng bawat angkan. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapakasal ng kanilang mga anak.
May anim na anak si Don Carlos, lima sa mga ito ay lalaki habang nag-iisang babae naman ang bunso nito. May pito namang anak si Don Ishmael, anim sa mga ito ay mga lalaki habang tanging ang panganay lang nito ang naging babae.
" Ipapakasal ko ang panganay na anak na si Earl sa panganay mo na anak Ishmael. Hindi natin kailangang mag-agawan sa mga lupa at tao ng San Ignacio kung maari naman tayong magsanib pwersa para mas lalong mapalakas ang ating mga angkan."
Kasalukuyang naghahapunan ang dalawang angkan sa loob ng plaza ng bayang ito. Pyesta ng bayan at inaasahang dumalo ang lahat sa isinagawang enggrandeng pagtitipon ayon na rin sa kagustuhan ng Mayor.
" At sa tingin mo Carlos, hahayaan kong dungisan ng iyong bulok na apelyido ang lahi ko? Sa tingin mo ganun lang kadaling kalimutan ang lahat ng ginawa mo sa mga tauhan ko?"
Napasinghap ang halos lahat ng mga tao sa pagtitipong iyon. Halos lahat ay nangangamba na baka magkaroon lang ng kaguluhan kapag uminit pa ang sitwasyon ng dalawang Don.
" C'mon Ishmael, alam kong marami rin akong mga tauhan ang napahamak sa inyong lupain. Bakit hindi na natin ito itigil. Alang-alang sa ikabubuti ng ating bayan, tigilan na natin ito."
" Kung ako sa iyo Carlos ay tigilan mo na ang pag-iilusyon na magiging maayos pa ang pamilya natin. Kilala ko kayong mga Samaniego. Hindi ko hahayaang mapunta sa mga kamay niyo ang nag-iisa kong prinsesa! Mga mandaraya kayo! Mga mandurugas!"
Lahat ay nababahala na mula sa pagmamatigas pa rin ng Don. Pero hindi nila masisisi ito kung bakit ayaw nitong pumayag sa gustong gawin ni Don Carlos.
Kilala kasing mga barumbado at masasama ang mga anak na lalaki ni Don Carlos. Mga mapang-abuso at mapagsamantala sa kapwa. Halos lahat ng kaguluhan sa bayang ito ay nagsisimula sa mga anak nito.
Halos lahat sa mga ito ay may kaugnayan sa illegal na gawain. Kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit ang daling manalo ng Don sa nakaraang eleksyon. Makapangyarihan mang pamilya ang mga Silverio pero simula nang pumasok na rin sa politika ang mga Samaniego ay nawalan sila ng kontrol sa bayang ito.
Kaya naman ang sigalot na hindi matapos-tapos ay nag-ugat din sa parehong adhikain ng bawat angkan na maging makapangyarihan sa bayang ito.
" Ito lang ang naisip kong paraan para mawakasan na ang matagal nating sigalot. Nagpakumbaba na ako. Hindi mo ba naisip na mas mainam iyon hindi lang sa pamilya natin maging sa bayan ding ito?"
BINABASA MO ANG
BELLA LUNA
General Fiction( SAVAGE LOVE SERIES 1 ) 'Patayin si Bella Luna Samaniego!' That is what Tyrone instilled to the mind of his younger brother Zyrone Silverio. To kill the youngest and only daughter of the Samaniego family. They have a plan. That plan was crafted eve...