4: Bella Luna Samaniego

177 7 0
                                    

"She gets what she wants."

" May problema ba?"

Napalingon ako kay Brixx na noon ay nagpupunas ng kanyang mga baril dito sa study room ng papa.

Napailing lang ako at walang emosyon na napalapit sa terrace ng kwartong ito.

Tanaw ko mula rito ang kabuuan ng San Ignacio. Isang maliit na bayan pero napakaraming misteryo ang nasa loob nito.

Napahalukipkip ako isipin na kung bakit kailangan maramdaman ko ito ngayon.

" Hindi ka ba galit sa ginawa niya?"

Narinig ko ang biglang pagbaba niya ng baril sa mesa.

" Hayaan mo na siya sa gusto niyang gawin. Balang araw matatauhan din siya."

Kinuha ko ang sigarilyo sa aking bulsa at mabilis na sinindihan iyon. Ibinuga ang usok sa ere at mataman na tinitigan ang langit.

" Hanggang kailan ko gagawin ito?"

Naramdaman kong lumapit siya sa akin at kinuha ang isa sa mga sigarilyo ko. Sinindihan iyon at mabilis na nagbuga ng usok sa mukha ko.

Napaubo ako ng kaunti at mabilis na lumayo sa kanya.

" Anong ibig mong sabihin, Bella Luna?"

Napangisi ako ng mapakla nang marinig ang pangalang iyon. Bella Luna. Bella Luna. Tsk.

" Wala, iniisip ko lang kung bakit hanggang ngayon napakarami ko pa ring mga bodyguards habang ang isang yun ay malaya lang nagagawa ang gusto niyang gawin sa kanyang buhay."

Nakita ko siyang napayuko at napatingin sa kawalan.

" Alam mo naman ang rason di ba kung bakit kailangan natin gawin ito?"

Mahigpit akong napahawak sa aking sigarilyo at walang ano-ano ay itinapon na ito.

" Hindi na sila babalik. Walang rason na bumalik pa sila sa lugar na ito."

Nakita ko siyang umismid sa sinabi ko.

" Sana ganun lang kadali ang lahat. Pero kilala ko sila. Siguradong nagpaplano na sila ngayon kung paano ka makuha. Alam kong andyan lang sila sa tabi-tabi. Ang mga katulad nila ang hindi susuko agad. Hangga't hindi ko sila nauubos hinding-hindi magkakaroon ng katahimikan ang bayang ito."

Napahinga ako ng malalim mula sa sinabi niya.

Hindi ko alam kailan matatapos ang digmaang ito. Sana isang araw magkaroon ng pagbabago sa buhay kong ito. Sana isang araw maging malaya na rin ako.

Kinabukasan naisipan ko ng pumasok. Halos isang buwan din ako nag leave of absent at nag modular nalang kasi wala pa rin akong mukhang maihaharap sa eskwelahang iyon.

Hindi ko lubos maisip na matatalo ako.

Tsk. Ang kapal ng mukha niya na gawin ito sa akin. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya?

Napakalaking hipokrita talaga ng babaeng yun.

Pinagmukha pa kaming masama sa paningin ng mga tao.

Kung ano man ang plano niya. Alam kaya niya na hindi magiging matagumpay iyon?

Nagsasayang lang siya ng oras sa mga pinagagawa niya ngayon.

" Miss, nahulog mo ang iyong panyo."

Napalingon ako sa nagsalita. Ang kanina na seryoso kong mukha ay napalitan ng ngiti. Isang inosenteng ngiti kumbaga.

Tsk. Mukhang ang galing ko na sa ngiting ito ah.

BELLA LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon