8: Janesis Kate Sombrana

147 6 0
                                    

" Dragon tattoo"


Kung posibleng magkaroon ng damdamin ang isang pusong sing tigas ng bato marahil nagkaroon siguro ng malaking milagro.

Hindi ako ganito katanga noon. Hindi ako pinalaki para maghabol lang sa lalaki.

Pero simula nang makilala ko siya ay tila nabaon na sa limot ang lahat ng itinuro sa akin ng papa at mga kuya.

Why in all people, bakit siya pa ang natipuhan ni Bella Luna?

That bitch! Wala ng ibang ginawa ang babaeng 'yun kundi ang mangolekta ng lalaki! Ang landi talaga.

Kanina pa ako naghihintay sa labas ng apartment niya. Medyo gumagabi na.

Sa totoo lang pwede ko naman iabot sa kanya itong review notes ko para sa darating na midterm. Pero mas ginusto kong iabot sa kanya ito sa bahay niya.

Nasa front step ako ng kanyang pintuan nang biglang bumukas ang pinto. Napatayo agad ako at nakita ang isang lalaki na siyang nagbukas pala ng pinto.

Napalunok ako nang mamukhaan siya.

Siya 'yung lalaking nakita ko noon nang una akong makapunta rito.

Naaasiwa ako sa mga uri ng tingin niya kaya naman hindi ako komportableng siya ang nadatnan at hindi si Zyrone.

" Anong kailangan mo?"

His authoritative voice is giving me all the chills. Melting my insides like seeing me here in their house is a crime.

" Ah..eh..si Zyrone? May ibibigay lang kasi ako sa kanya."

Sabay angat ko sa hawak na mga libro at notebook.

Malamig lang siyang tumitig sa akin.

" N-nandyan ba -

" Wala siya rito."

Mabilis akong napanganga na tila na gets agad ang kasupladuhan niyang ipinakita.

" Ah ganun po ba. Sege aalis nalang ako."

Mabilis akong tumalikod at bababa na sana nang maramdaman ang kamay niya na humawak sa'king braso.

Natigilan ako at nagulat dahilan upang matabig ko 'yun at takot na napatingin sa kanya.

" Ganun na ba ako katanda para sabihan mo ng 'po'?"

Napadilat ako sa sinabi niya. Sobrang namula ako nang lumapit pa siya sa'kin.

" Ha. Ah. Eh.."

Napapaatras ako habang sege naman siya sa paglapit sa akin.

" I am not yet that old for you to be formal on me."

Humihingi ng pasensya ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

" Sorry..

" Tyrone. I am Tyrone."

" Ty-Tyrone."

Napalayo siya ng bahagya sa akin at medyo kumalma naman ang ekspresyon ng kanyang mukha. Naging maamo ito na tila narealize ang nagawa.

" Pasensya ka na. Nakakatakot ba ako?"

Napadilat ulit ako at mabilis na umiling.

" Hindi."

Ilang sandali pa ay inaya niya ako sa loob ng kanilang bahay. Sabi niya doon ko nalang daw hintayin si Zyrone.

Kahit na kinakabahan pero nahihiya naman akong tanggihan siya.

BELLA LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon