" Ambush"
5 years after. . .
" Sigurado ka bang kaya mo ng manatili rito?"
Napatango ako kay kuya Lionel. Kararating lang namin galing America at napagdesisyunan kong bumalik na rito sa San Ignacio at asikasuhin ang ilang negosyo na naiwan ng papa sa'kin.
" Ikaw kuya, are you sure babalik ka talaga ng America?"
Ngumiti lang siya ng konti sa'kin at napaupo habang hinaplos ang lapida ng papa.
Dalawang taon ng patay ang papa dahil sa sakit na cancer sa atay.
Hindi ko maintindihan ang kuya Lionel kung bakit ayaw na niyang manatili rito gayong halos lahat naman ng ari-arian at negosyo ng papa ay ipinamana sa kanya. Pero ibinigay lang niya ito sa'ming dalawa ni kuya Brixx.
" I'll plan to live a simple life, Bel. Pagod na ako sa mga responsibilidad sa pamilyang ito. Ngayong wala na ang papa, siguro pakakawalan ko na rin ang sarili sa yaman niya."
Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
" Bakit naman?"
Ngumiti lang siya ng malungkot sa'kin at tumayo na saka nilagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.
" His money made us like this."
Hindi ko maintindihan ang malamig niyang titig sa lapida ng papa.
Natahimik naman ako at napatitig na rin sa lapida.
" Kuya, minsan ba nahiling mo na sana hindi ka isang Samaniego? Na sana kahit nasa mahirap na pamilya basta tahimik lang at kompleto tayo?"
Hindi niya ako sinagot at nanatili lang na malungkot ang ekspresyon niya sa mukha.
" No one has the choice to choose what type of family they should belong, Bel..pero mas nanaisin kong magkaroon ng isang mabuti at payapa na pamilya. I think 'yun din naman halos ang hiling ng kung sino."
Napalabi ako at bahagyang napatango.
Ilang sandali pa ay nagsimula na rin kaming umalis 'dun. Kinabukasan ay agad namang bumalik ang kuya Lionel sa America. Naiwan kami ng kuya Brixx na parehong hindi alam kung paano na ngayon pamahalaan ang maraming negosyo ng papa.
Pinasok na rin ng kuya Brixx ang politika at noong nakaraang eleksyon ay nanalo siyang gobernador.
Natapos ko na rin ang kursong business management sa America kaya naman sa akin ipinaubaya ng kuya Brixx ang pamamahala ng mga negosyo.
Sa loob ng limang taon ay mukhang bumalik na talaga ang lahat sa dati.
Ni hindi na rin napabalitaan na bumalik ang mga Silverio sa bayan na 'to.
Natigilan naman ako nang maisip ang pamilyang 'yun.
Sa loob ng limang taon ay sinubukan kong tumakas sa masamang bangungot na 'yun sa buhay ko. Nag-aral akong muli sa America, nagtrabaho at pumunta sa kung saang lugar para lang makalimot.
Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa'king isipan ang lahat ng nangyari. Nakaukit pa rin dito sa'king puso ang lahat.
" Tita, is this yours?"
Napalingon ako mula kay Felgen Rose. Nakita ko siyang kasama ang anak niyang babae na ngayon ay akay-akay niya.
May hawak siyang isang maliit na panyo.
Napakurap ako at kinuha 'yun sa kanya.
" Sino si Juancho?"
Napatda ako at saglit na natigilan. Napahigpit ang hawak ko sa panyo na kung saan nakaburda 'run ang pangalan ng anak ko.
BINABASA MO ANG
BELLA LUNA
General Fiction( SAVAGE LOVE SERIES 1 ) 'Patayin si Bella Luna Samaniego!' That is what Tyrone instilled to the mind of his younger brother Zyrone Silverio. To kill the youngest and only daughter of the Samaniego family. They have a plan. That plan was crafted eve...