17: Bella Luna Samaniego

110 5 0
                                    

"Nightmare"

Kapag nagising ka pa kinabukasan pagkatapos ng mahabang bangungot, ang una mong gagawin ay magpasalamat.

Salamat kasi sa kabila ng masamang panaginip na 'yun, nagising ka pa at heto buhay na buhay.

Pero nang biglang bumuka ang aking mga mata. Marinig ang hampas ng alon sa labas. Alam kong hindi pa tapos ang kalbaryong ito.

Nakakulong pa rin ako sa bangungot na 'yun.

Isang linggo na kada-umaga ginusto kong hindi nalang magising. Pero sa tuwing namumulat ulit ako sa katotohanan ay hindi ko alam paano na ito matatakasan.

Kung paano siya matatakasan.

" Iha, kain na."

Bumangon ako at malungkot na napatingin sa pagkain. Katabi nun ay ang isang baso ng tubig at mga gamot. Vitamins at antibiotics para sa sugat ko na kahit hindi pa ganun ka galing ay hindi na kumikirot hindi tulad ng dati.

" Manang, maawa po kayo. Please. Tulungan niyo po akong makaalis dito. Please po."

Araw-araw ay nasanay na ang matandang babae na marinig ito sa akin. Siya ang tumutulong sa'kin sa tuwing nagbibihis ako o naliligo. Minsan kapag hindi ko gustong kumain ay siya ang pumipilit sa akin.

" Eh iha, alam mo naman ang sitwasyon ko. Wala akong kapangyarihan dito. Katulad mo ay hindi ko rin kaya ang mga Silverio."

Mas lalo akong napaiyak mula sa narinig sa kanya.

Tama naman siya. Anong magagawa ng isang matandang babae na katulad niya? Panigaradong kapag tinulungan niya ako ay alam na niya ang mangyayari sa kanya. At tingin ko hindi niya naman 'yun gustong mangyari sa sarili.

Alam ko ang maaring mangyari sa'kin kapag hindi ako makaalis dito. Alam kong gagawin na naman niya 'yun ulit sa'kin. Hindi ko hahayaang maulit ulit 'yun.

Pinahid ko ang mga luha at sinubukan na kumain. Kailangan kong magpalakas para makatakas.

Walang mangyayari sa'kin kung patuloy lang akong iiyak at magmamakaawa.

Natutunan kong kahit ano pa ang gawin kong pakiusap, hinding hindi na mababago ang isip ni Tyrone.

Nagkamali akong nagtiwala agad sa kanya.

Hindi porke't nagmalasakit siya sa'kin nung nakaraang insidente ng lindol ay iisipin kong may ibabait pa rin siya. Pero mali ako. Maling mali ako.

Napakasama niya. Sobrang sama.

" Good. You're eating now. Kailangan mo 'yan para sa mangyayari sa'yo mamaya."

Medyo nagulat ako sa biglang pagpasok niya. Simula ng mangyari 'yun ay hindi na ulit siya pumasok dito at tanging 'yung matanda nalang.

Nakita na niya siguro na unti-unti na akong gumagaling kaya andito na naman siya para bigyan ulit ako ng bangungot.

Gusto kong mag-panic. Manginig sa sobrang takot dahil sa presensya niya pero pinigilan ko ang sarili.

Hindi pwedeng makita niya na naaapektuhan pa rin ako sa kanya.

I need to be brave. I have to. If I will die in his hands, I will die with dignity. Hindi ako susuko at lalaban pa rin ako.

Hindi ko lang siya sinagot o tiningnan man lang. Nagpatuloy lang ako sa pagkain.

" Trying to be brave, huh."

Lumapit pa siya lalo sa'kin at napasinghap naman ako nang bigla niyang hawakan ang dalawa kong pisngi gamit ang isa niyang kamay.

Piniga niya ito dahilan para matakot na naman ako sa kanya.

BELLA LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon