35: Tyrone Blake Silverio

140 6 0
                                    

" let go"

1 month after. . .

" Habulin mo ako kuya!!!! Wahhhh!!!"

Nang maabutan ko siya ay mabilis ko siyang hinila sa damit at itinaas sa ere.

" Tama na!!!! Waahhh!!! Ibaba mo na ako kuya Tyrone!!!"

Pero inikot-ikot ko pa rin siya at itinakbo.

" Wahhhh!!" Narinig ko ang malutong niyang paghalakhak.

Parang musika ito sa'king tenga.

" Anthony!!!!" Binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa may isang malaking bato akong naapakan na siyang dahilan upang madapa kami.

Nabitawan ko siya. Iyon ang unang pagkakataon na natakot ako ng sobra sa buhay ko.

Nakita ko si Anthony na tumilapon habang ngayon ay umiiyak ng malakas. Namimilipit sa sakit.

Kahit na sa masakit na sugat sa tuhod ay mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa kanya.

" Anthony..."

Sobrang takot ko talaga. Hindi ko alam anong gagawin.

Limang taon lamang si Zyrone habang labing dalawa naman ako. Nasa likod na bahagi kami ng aming mansyon.

Dito sa may tubuhang bahagi ng hacienda.

" Tyrone! Anong nangyari?!"

Napalingon ako at nakita ang kuya Nigel habang nag-aalalang napatakbo papunta sa'min.

" Kuya..nabitawan ko si Anthony..."

Lumapit ang kuya kay Anthony at nakita na parang hindi makatayo ito.

" Nadapa kasi ako kuya habang tumatakbo."

Nakita kong natahimik si Anthony at parang nawalan ng malay.

" Kuya! Patay na si Anthony?"

Nakita kong ngumisi lang sa'kin ang kuya Nigel at ginulo ang buhok ko. Palagi niyang ginagawa 'yun sa tuwing natutuwa siya sa'kin.

Bumaling siya kay Anthony at napadilat ako nang bigla niyang sundutin ito sa tiyan.

" Kuya Nigel!"

Ilang sandali pa ay kiniliti niya ito ng masyado dahilan para mapadilat si Anthony at humalakhak ng humalakhak.

Nagliwanag bigla ang mata ko makita silang dalawa na nagtatawanan.

" Ang kulit mo talaga ha! Tatakutin mo pa kami!!"

" Tama na!! Ayoko na!!!"

Napuno ng tawanan ang lugar na 'yon.

Ilang sandali pa matapos magamot ng kuya Nigel ang sugat ko sa tuhod ay binuhat na niya si Anthony.

Pinasampa niya sa kanyang mga balikat habang akay ako sa kanyang isang kamay.

" Isusumbong mo ba kami sa mama, kuya?"

Ngumisi lang ang kanyang kuya habang payapang nakatingin sa daan.

" Ano ka ba, eh di hindi na ako magiging best kuya of the year niyan kung gagawin ko 'yun."

Napangiti ako sa kanya habang nakatingala sa kanya.

" Kaya ikaw ang pinakapaborito kong kuya."

" Sino paborito mong kapatid kuya?" Natawa ang kuya Nigel sa tanong ni Zyrone.

BELLA LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon