" Tyrone!!!"
" Ma.."
Mabilis niya akong niyakap ng mahigpit.
" I miss you so much, anak."
" Ako 'rin ma."
Nang kumalas siya sa'kin ay maluha luha ang mga mata niya habang napapangiti.
Pinahid niya ang ilang butil ng luha sa gilid ng kanyang mga mata at maligayang tumingin sa'kin.
" Oh, akala ko ba kasama mo si Juancho, where is he?"
Nagpalinga-linga siya at hinanap ang limang taong gulang kong anak.
" He's here ma."
Tumabi ako para ipakita sa kanya ang nasa likod ko.
Nang makita niya sino ang lumabas sa'king likod ay bahagya siyang natigilan.
Napatingin siya sa'kin na hindi makapaniwala.
" Hello po.." Halata sa boses niya ang sobrang kaba.
Hinawakan ko siya upang hindi matakot.
" Oh..hello..
Puno ng katanungan ang mga mata ng mama.
" Ma, si Bella Luna po..asawa ko. Ang mama ni Juancho."
Napakurap si Bella Luna habang napahigpit ang kapit sa anak namin na ngayon ay karga-karga niya. Nakatulog kasi ito.
Ang mama naman ngayon ang napakurap at napangiti.
May halong luha ang ibinigay niyang ngiti sa asawa ko.
" I'm glad nakarating ka, iha."
Naluluha ring ngumiti si Bella Luna sa kanya.
" Oo nga ho eh, pasensya no po kayo kung medyo natagalan."
Lumapit ang mama at hinawakan ang kamay ni Bella Luna.
" Pa-patawarin mo kami.."
Umiling si Bella Luna..
" Patawarin niyo rin po kami. ."
Huminga ako ng malalim at napangiti kay Bella Luna.
Ngumiti rin siya sa'min.
Nasa Rome kami ngayon kung saan nakatira ang mama.
Bago ako magdesisyon na pumunta rito upang manirahan ng tuluyan kasama ang anak ko ay nagulat na lang ako isang araw nang makita siya.
Kate told her my current address in exchange for letting Kate go. Perhaps Bella Luna eventually understand Kate's motive upon killing her brother.
Kate told me that Bella Luna blackmailed her and asked for my address in exchange for Kate's freedom.
" Bakit ka bumalik? Bakit mo kami binalikan?"
Niyakap lang ako nito ng mahigpit at hindi sumagot.
Umiiyak din ito.
She told me that she miss us..so much that she doesn't care anymore with our realities.
Beacause right now, she's willing to forgive and forget everything. .
. . for the sake of her family--
Me and Juancho.
BINABASA MO ANG
BELLA LUNA
Narrativa generale( SAVAGE LOVE SERIES 1 ) 'Patayin si Bella Luna Samaniego!' That is what Tyrone instilled to the mind of his younger brother Zyrone Silverio. To kill the youngest and only daughter of the Samaniego family. They have a plan. That plan was crafted eve...