" Choice"
" Ahhhhhh!!!!!"
" Kuyyaaahhh! Tama na!!!!"
Nasa harapan ko ngayon si Zyrone at ang pekeng Bella Luna. Nahuli sila ng mga tauhan ko na nasa loob ng aking kwarto na kung saan nandoon si Bella Luna.
Nakatakas pala ang dalawang ito.
At ngayon nga may narinig ang kuya Nigel mula sa bibig ng babaeng 'to na siyang naglagay sa kanila pareho sa ganyang sitwasyon.
Nakagapos ang mga kamay nila sa ibabaw ng kanilang ulo habang walang tigil sa paglatigo ang kuya Nigel sa kanilang dalawa lalo na kay Kate.
" Sabihin mo! Nasaan na ngayon ang anak ni Beatrice!!!"
" Ahhhh!!!"
Buhay ang anak ng ate Beatrice at all this time nasa kamay lang pala ng mga Samaniego ito.
Ang mga walang hiya. Akala namin namatay ang anak ng ate kaya nawala ito sa sarili pero kinuha pala nila ito. Itinago mula sa amin!
" Sinabi ko na sa inyo, siya 'yung anak ni Brixx Samaniego. Iyong Felgen Rose! Kung h-hindi niyo siya mahagilap sa San Ignacio, sigurado akong nasa America na siya. Sinabi ko na rin sa inyo ang address nila sa Chicago..ano pa ba ang gusto niyong marinig ha?!!!"
Pero nilatigo lang siya ng nilatigo ni kuya Nigel.
" Kuyaaaa!!! Tama na!!" Umiiyak ng husto si Zyrone mula sa ginawa ng kuya kay Kate.
Kailan pa siya nag-alala ng ganito katindi sa babaeng 'yan?
" Isa ka pa!!! Wala kang kwenta!" Si Zyrone naman ngayon ang hinampas ng kuya.
" Kuya! Tama na 'yan!"
Natigil ang kuya at napalingon sa'kin.
Ilang sandali pa ay mukhang nahimasmasan naman siya. Pulang pula ang kanyang mga mata.
Paniguradong bagong hithit na naman ito.
" Wag kang mag-alala kuya. Gagamitin ko ang lahat ng koneksyon para mahanap siya. Tigilan mo na silang dalawa."
Kumuha siya ng sigarilyo at nagsindi.
" Umalis na tayo rito. Ano mang araw ay mahahanap na nila ang lugar na 'to."
Napatango ako sa kanya.
Lalabas na sana ako ng kwarto nang bigla siyang magsalita muli.
"Saka, iligpit mo na 'rin yung dalawang Bella Luna. Wala na silang silbi sa'tin."
Natigilan ako at napalunok.
" Ipadala mo ang mga ulo nila sa mansyon ng mga Samaniego. Tingnan natin kung hindi sila lalong mabaliw."
Napalingon ulit ako sa kanya habang mala-demonyo siyang nakatingin sa akin. Tila pinag-aaralan nito ang reaksyon ko.
" Pano ang bata? Malapit na siyang makapanganak—
" Bullshit! Wala akong pakialam sa bata! Tingin mo kaya nating mag-alaga ng bata ngayon?"
Napakuyom ako sa kamao at huminga ng malalim mula sa narinig sa kanya.
" Anak ko pa rin ang batang 'yun."
Narinig ko siyang tumawa ng malakas.
" Anong anak? That child is a Samaniego!"
" Pero may dugong Samaniego rin naman 'yung anak ni ate Beatrice ah. B-bakit—
" Dahil napalapit na ang batang 'yun sa mga Samaniego! Sa tingin mo, anong mangyayari kay Brixx kapag nalaman niyang ang anak niya nasa atin na, ha?"
BINABASA MO ANG
BELLA LUNA
General Fiction( SAVAGE LOVE SERIES 1 ) 'Patayin si Bella Luna Samaniego!' That is what Tyrone instilled to the mind of his younger brother Zyrone Silverio. To kill the youngest and only daughter of the Samaniego family. They have a plan. That plan was crafted eve...