" Innocent Mask"
Napapikit ako mula sa malakas na sigaw ng kuya Nigel.
" Light!!!!" Ang hagulhol niya at paghihinagpis ay umalingawngaw rito sa kastilyo.
Naikuyom ko ang kamao habang walang emosyon na nakatingin sa ulo ng nakakatandang kapatid.
Iniwan ang putol nitong ulo sa mansyon namin sa Sta. Ines.
" Sigurado ka bang walang nakasunod sa'yo rito?"
Tumango si Night mula sa tanong ko. Siya ang isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan.
" Si Zyrone? Hindi mo ba siya nakita?"
" Iyon din sana ang sasabihin ko sa'yo."
May inabot siya sa'king maliit na kahon.
Huminga ako ng malalim at mabilis itong binuksan.
Tumigas ang panga ko nang makita ang isang daliri.
Napahigpit ang hawak ko sa kahon nang makita ang pamilyar na singsing ni Zyrone na nakasuot sa putol na daliri.
Nakita ito ng kuya Nigel at hinablot niya ito bigla sa'kin.
" Zyrone.."
Puot at hinagpis ang nararamdaman namin ngayon dahil sa nangyari.
Napakatagal naming pinagplanuhan ito. Buong buhay ang ginugol namin para lang maisakatuparan ang planong ito.
Pero sa isang iglap lang. .nawasak 'yun lahat.
Paano?
Sino?
Bakit?
Tumigas lalo ang panga ko habang mariin na iniisip kung saan kami nagkamali.
Paano nila nalaman?
Sino ang nagsabi sa kanila?
Bakit agad nilang nalaman ang mga plano namin?
Isinara ko na ang kahon na pinaglagyan ng pugot na ulo ni kuya Light.
Walang emosyon akong tumingin kay Night.
" Nahanap na ba ang katawan niya?"
" Kasalukuyan pang hinahanap ng aming mga tauhan ang katawan niya. Wag kang mag-alala makikita rin namin ito."
" Tyrone! Mga walang puso talaga 'yang mga Samaniego! Mga hayop sila! Magbabayad sila! Magbabayad sila!"
Napabuntong hininga ako habang tinitingnan ang kuya Nigel na umiiyak. Ilang sandali pa ay ginalaw na niya ang kanyang wheelchair at pumunta sa mga tauhan namin.
" Gawin niyo ang lahat makuha lang ulit ang bunso kong kapatid! Huwag kayong babalik dito hangga't hindi niyo siya kasama!"
Agad kong ini-on ang tablet na hawak at sinubukang hanapin ang kasalukuyang location ni Zyrone.
Pero wala. Off na ang GPS na kinabit ko sa kanya.
Napaisip naman ako.
Mukhang pinaghandaan talaga ito ng mga Samaniego.
Sa loob ng maraming taon na nakalipas, kung kami ay abala sa pagpaplanong makahiganti sa kanila pero mukhang hindi lang sila basta-basta naghintay lamang sa aming pag-atake.
Pinaghandaan din nila ito. Sobrang paghahanda.
Handa sila sa aming pagbabalik ng San Ignacio.
Gusto mang tumulo ng mga luha ko mula sa sinapit ng kuya Light pero hindi panahon ito para malugmok ako.
Masyado ng maraming pinatay na kapatid ko ang mga Samaniego na 'yan!
Magbabayad sila sa ginawa! Magbabayad sila!
Inis, hinagpis, puot at pighati ang nararamdaman ko ngayon.
Huminga ako ng malalim at mabilis na tinawagan ang isa ko pang tauhan.
" Proceed na tayo sa Plan B."
Lumipas ang mga araw ay wala pa rin akong balita kay Zyrone. Nagchange na rin kami ng location, 'yung hindi niya alam.
Kung nakalimutan niya 'yung training namin at nasabi niya sa kalaban ang mga lokasyon namin ay malaking kapahamakan 'yun.
Ang mama ay pinalipat ko na rin ng ibang bansa. Kung dati ay nasa Rome siya, ngayon naman ay nasa Brazil na.
If there's one person that we need to protect more, it is her. Our mother is the source of this plan. Plan to avenge our family.
" Tyrone, please..just bring him back safe. Kahit hindi na tayo bumalik ng San Ignacio. Just please bring your brother back."
Mahirap pakinggan ang mga hagulhol ng mama mula sa kabilang linya ng telepono.
Napabuntong hininga ako at blankong tumingin sa mga alon na humahampas patungo rito sa kastilyo.
Nasa gitna ng dagat kasi kami ngayon. This place is just a back up plan.
Kapag nagkagulo na ay isa ito sa mga lugar na inihanda namin.
" Anong sabi ng mama?"
Napayuko ako mula kay kuya Nigel na blanko rin ang mga matang nakatingin sa dagat.
" Kapag nabawi na natin si Zyrone, titigil na tayo."
I heard his loud smirk.
" Ganun nalang 'yun? Titigil na tayo? Para 'san? Masyado nang huli ang lahat para umatras. Matagal na panahon na natin 'tong sinimulan. Ngayon pa ba tayo susuko?"
Sa totoo lang, kahit sabihin man ng mama na sumuko na kami pero dito sa'king puso ay hindi matanggap 'yun.
Buong buhay kong hinintay ang pagkakataong 'to para makabalik at makapaghiganti sa kanila.
Hindi ako susuko nang dahil lang sa nangyari.
" Kapag tumigil tayo Tyrone ay parang sinayang lang ng ating mga kapatid ang sakripisyo nila para sa laban na 'to."
Tumingin siya sa'kin ng mariin.
" Mangako ka sa'kin Ty. .na kahit anong mangyari. Hinding hindi natin hahayaang maging masaya ang mga Samaniego. Bawat parte ng katawan nila maging ang kahulihulihan nilang hibla ng buhok ay sasagarin natin! Hangga't may mga Silverio pang nabubuhay sa bayan na 'to. Hinding hindi sila matatahimik!"
Makikita mo talaga sa mga mata ng kuya Nigel na buo ang loob niya na makapaghiganti. Ganun din ako.
Tuloy pa rin ang plano. Tuloy pa rin ang laban na 'to.
Napatingin ako sa larawan ng bunsong anak na babae ng mga Samaniego.
Napaisip naman ako.
Hindi ko maintindihan kung bakit parang may kakaiba rito.
Simula nang makilala ko siya ng personal noon ay hindi ko alam kung bakit parang may mali talaga sa kanya.
Napangiti ako ng mapakla.
Tsk. This girl is no different from her brothers.
Kahit gaano pa kaamo ang kanyang mukha, nananalaytay pa rin sa dugo niya ang pagkahayop.
Sigurado akong siya ang sumira sa plano namin.
Sigurado akong matagal na nilang inihanda ang babaeng 'to.
Kinuyumos ko ang litratong hawak at galit na napahawak sa batong bintana.
The Samanigeo's are two face devil wearing an innocent mask when deep down their skin, they are monsters.
" Zyrone..hintayin mo ako. Kukunin ka namin sa babaeng 'to." Mahina kong usal at napaangat ng tingin sa langit.
Ang isang tahimik at payapang kalangitan ay naging malawak na dugo sa'king paningin.
BINABASA MO ANG
BELLA LUNA
General Fiction( SAVAGE LOVE SERIES 1 ) 'Patayin si Bella Luna Samaniego!' That is what Tyrone instilled to the mind of his younger brother Zyrone Silverio. To kill the youngest and only daughter of the Samaniego family. They have a plan. That plan was crafted eve...