" Bella Luna"
" . . I'm not the real Bella Luna. ."
" . . I'm not the real Bella Luna. ."
" . . I'm not the real Bella Luna. ."
Hanggang ngayon ay umaalingawngaw pa rin sa'king isipan ang mga sinabi ni Bella Luna. Bago tuluyang nagkagulo ay may sinabi siyang isang sekreto na hindi ko lubos maisip na totoo pala.
Kung hindi 'yun totoo ay hindi namin siya iiwan. Kung hindi siya nagsasabi ng totoo, 'di sana hindi niya hinayaan ang kuya na basta barilin lang ang kapatid niyang si Drake.
Pero . . .bakit?
" Papa. . .ang kuya Drake." Narinig kong hagulhol ni Brixx mula sa pagkapatay ng kanyang kapatid. Dead on arrival na ito pagkarating dahil sa tinamong tama sa ulo.
Kahit na sa kalagayan ay ngayon lang ako nakaramdam ng mabuti dahil sa nalaman.
Serves you all better. Pinatay niyo ang kuya Light, kaya naman magdusa kayo ngayon sa pagkawala ng isa niyo pang kapatid.
"This is getting worst. Iho, Lionel, what should we do?"
Nakita ko si Don Carlos na sobrang nababahala ang mukha habang tinitingnan ako.
Hindi ko man halos maibuka ang mga mata mula sa pagkakabugbog nito pero kitang kita ko ngayon kung sino ang totoong Bella Luna.
Nakatitig siya sa akin. Hindi makapagsalita. At mas mabuting sabihin na sobrang nag-aalala ang ekspresyon ng kanyang mukha habang nakatingin sa akin.
Nakaupo siya sa tapat ko mula sa mahabang mesa na kinalalagyan naming dalawa. Nakatali pa rin ang mga kamay at paa ko sa upuan. Kahit hindi nila ako talian ay hindi rin naman ako makakatakas dahil sa ginawa nila.
Hindi nga ako halos makakilos dahil sa sobrang sakit ng natamo ko mula sa pambubugbog nila. Isama mo pa ang nabaril kong kamay at ang isang daliri na pinutol nila.
" Lionel.. I think..kailangan mo munang ibalik sa ibang bansa si Bella Luna. This is not a good situation anymore."
" Pa..ayoko."
" Bella Luna! Wag matigas ang ulo! Nakuha na nila ngayon si Kate. Paniguradong sinabi na niya sa kanila ang totoo!"
" Kuya Brixx, ayoko na po. Bakit hindi nalang natin 'to wakasan? Bakit hindi nalang tayo makipagkasundo sa kanila? Pakawalan natin si Zyrone-
" No! Wala ka talagang alam sa mga Silverio babae ka! This is why you should go! Ang dali mo lang mabilog. Masyado kang malambot!"
" Brixx! Huwag mong sigawan ang kapatid mo ng ganyan!"
" Iha, intindihin mo muna ang sitwasyon. Alam mo naman ang mangyayari di ba kapag nakuha ka ng mga Silverio. You know what will happen to me."
Lumapit ang Don sa kanya at sinubukan siyang hawakan.
" Pa..sawang sawa na ako sa gulong 'to! Ilan pa ba sa mga kapatid ko ang mamamatay? Matitigil lang 'to kung may isa sa atin ang magpaparaya-
" Shut up! You don't know about people! Napaka-clueless mo talaga! You are our weakness! Naiintindihan mo ba 'yun Bella Luna? Basta aalis ka kasama si Felgen Rose. Mahirap ng malaman ng mga Silverio na-
Napatingin sa'kin si Brixx at nagtaka naman ako sa sinabi niya.
Ilang sandali pa ay tumikhim 'yung Lionel.
BINABASA MO ANG
BELLA LUNA
General Fiction( SAVAGE LOVE SERIES 1 ) 'Patayin si Bella Luna Samaniego!' That is what Tyrone instilled to the mind of his younger brother Zyrone Silverio. To kill the youngest and only daughter of the Samaniego family. They have a plan. That plan was crafted eve...