10: Zyrone Anthony Silverio

107 5 0
                                    

" Twist of Game"

Isang marahan na palakpak ang narinig ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

" Magalingmagaling."

I see him.

Bakit..

Paanong? Bakit siya—

" Brixx, just cut it out. Enough with the show."

Napalingon ako ng mabilis at nakita si Bella Luna habang isinusuot ang itim na gloves.

Hinawi niya bahagya ang palda ng kanyang black dress at nanlaki ang mga mata ko nang makita 'run ang isang baril.

Kinuha niya ito at mabilis na itinutok sa'kin.

Ngumiti siya. Mga ngiti na kailanman hindi ko akalain na makikita sa kanya.

The innconce is now gone.

Parang umalingawngaw sa'kin ngayon ang mga babala noon ng kuya Tyrone.

Napataas bahagya ang kanyang kilay at tumawa ng malakas.

" Do you like it, baby? Ang galing kong magdrama di ba?"

Tumigas ang panga ko at napasigaw.

Isang malakas na hampas kasi ang naramdaman ko mula sa aking ulo.

Napaluhod ako at nakita ang dalawang lalaki na sa larawan ko lang noon nakita.

Brixx Samanigeo.

Drake Samaniego.

Paano?

Bakit sila andito?

Teka? Asan—

Nanlaki bigla ang mga mata ko nang makita ang kuya Light na hawak ng mga armadong lalaki.

Parang iginupo ng matinding emosyon ang puso ko sa kalagayan niya.

Halos nawasak ang sunog niyang mukha dahil sa bugbog.

" Kuya!!"

" Zy—

Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang bumulwak ang maraming dugo sa kanyang bibig.

Doon ko lang din napansin na napakaraming dugo ng kanyang damit.

At. .at..

Hindi! Napakarami niyang tama ng baril sa paa!

" Mga walang hiya kayo—

Isang malakas na suntok ang dumapo sa labi ko.

" Siverio. .Silverio.. Just another dimwit Silverio."

Umugong sa loob ng mansyon ang mala-demonyo nilang tawa.

Anong nangyari?

Bakit nagkaganito?

Paano nila nalaman?

Anong ginawa ko? Bakit. . .

Napadilat ako ng tinutok ni Drake Samaniego ang hawak na baril sa ulo ng kapatid ko.

" Huwag! Huwag!"

Umiiyak ako habang nakatingin sa kalunos-lunos na kalagayan ng kuya.

" Magpaalam ka na Silverio sa kuya mo."

" Please..please! Huwag!"

Isang malakas na putok ang narinig ko na nagpayanig sa akin.

Binitawan ng lalaki ang kuya at nakita kong nanginig ang kuya Light dahil sa sakit ng pagkatulak sa kanya.

BELLA LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon