" Another Silverio"
Hindi ko alam ano ang ere-react sa ginawa ni Bella Luna sa akin. Should I supposed to be her friend first before this happen?
Di ba ang plano dapat kunin ko muna ang loob niya? Kaibiganin at doon na ligawan. Pero bakit parang ang bilis naman yata nangyari lahat iyon?
Nananaginip ba ako? Totoo bang nangyari yun?
" I can't believe that girl." Mahinang saad ni Jane na ngayon ko lang naalala na nasa harap ko pala.
Nakita kong ngumiti siya sa'kin.
" Sege mauna na ako. Inihatid ko lang talaga yan."
Tatalikod na sana siya nang pigilan ko. Hinawakan ko siya sa braso niya.
Nagtaka naman siya sa ginawa ko.
" Bakit?"
Mabilis ko naman binitawan ang kamay niya at napaatras.
Ano nga ba? Ha? Zyrone? Bakit mo siya pinigilan?
Hindi ko alam pero I have this sudden urge na ipaliwanag sa kanya ang nangyari. Hindi ko alam kung bakit feeling ko dapat kong e-defend ang sarili sa nangyari kanina.
" Yung sa amin ni..kanina..
Nakita ko siyang natawa. Nagulat naman ako sa reaksyon niya.
" Alam ko naman na siya ang nag-initiate na maging boyfriend ka niya. Nasa'yo na 'yun kung seseryosohin mo. Basta sinasabi ko sayo. Mag-ingat ka sa kanya."
" Hindi lahat ng nakikita mo sa lugar na 'to ay totoo." Walang emosyon niyang saad sabay talikod na sa akin.
Naka-alis na siya sa harap ko pero paulit-ulit ko pa rin naririnig ang mga sinabi sa akin ni Jane. Hindi ko alam kung bakit bigla yata akong kinabahan don.
Alam kong pabor sa mga plano ko ngayon ang biglang paglapit sa akin ni Bella Luna na walang kahirap-hirap. Pero hindi ko akalain na magiging ganun kadali ang lahat.
Dapat nga ba akong mangamba don?
Nasa ganun akong pag-iisip nang marinig na parang may pumasok ulit sa bahay ko. Kumalampag kasi ang gate.
Bumalik kaya si Jane?
O si Bella Luna?
Dali-dali akong lumabas para tingnan kung sino iyon pero hindi ko akalain na makikita ko siya ngayon dito.
Anong..
Bakit siya andito ngayon?
May dala siyang malaking bag at nakapamulsa siyang humarap sa akin. Malamig ang mga titig na ibinigay niya sa akin.
" Hindi mo ba ako papapasukin, Anthony?"
Nagitla naman ako na tila naliwanagan sa pagtawag niya sa'kin sa ikalawang pangalan ko. Sa aming magkakapatid, ito lang ang tumatawag sa akin ng ganun.
" Bakit ka andito, kuya Tyrone?"
Matanda lang ito ng pitong taon sa akin. Graduate na ito sa kursong information technology. Sa pagkakaalam ko nasa Japan ito nakabase dahil sa kanyang trabaho bilang IT specialist sa isang kilalang kompanya.
" Pinasunod ako ng mama rito. She's worried that you're not doing your mission here."
Malamig niya akong tiningnan at minsan nakaramdam ulit ako ng kaba. Sa lahat kong kapatid ito lang ang pinakatahimik at kung magsalita ay parang walang emosyon.
Siya rin ang pinakamatalino at magaling lumusot sa gulo kaya hindi na nakapagtatakang pinasunod siya sa akin ng mama.
Kaya lang sa aming apat, sa kanya lang ako pinakatakot. Hindi ko kasi ito makasundo at parang may sariling mundo. Sa sobrang tahimik nito na tao ay buong araw kaya ka nitong hindi kausapin kahit nasa iisang bahay lang kayo.
" Kailan ka pa nakarating?"
Hindi lang niya ako sinagot bagkus nagtuloy-tuloy lang sa pagpasok sa loob ng bahay at umakyat na ng hagdan.
Oh tingnan mo nga ang asal ng lalaking 'to. Dedma na naman ako sa kanya.
Okay naman ako rito ah kahit wala siya. Hanggang ngayon talaga ay wala pa ring tiwala ang mama sa akin.
Inis na rin ako pumasok ng bahay at sinundan siya sa taas.
BINABASA MO ANG
BELLA LUNA
General Fiction( SAVAGE LOVE SERIES 1 ) 'Patayin si Bella Luna Samaniego!' That is what Tyrone instilled to the mind of his younger brother Zyrone Silverio. To kill the youngest and only daughter of the Samaniego family. They have a plan. That plan was crafted eve...