33: Janesis Kate Sombrana

101 5 0
                                    

" I love you. .so much"

1 day before it happen. . .

And so it goes, we made the most daring move in this life. Umalis kami sa madilim na kwartong 'yun. Seems like two birds now finally decided to fly.

Hoping to find the way outside. Hoping freedom will be there waiting for us.

But things get cruel on their way. They got caught. .and tortured.

Nanginginig ako dahil sa sakit na dumadaloy sa buo kong sistema.

Puno ng sugat ang buo kong katawan mula sa walang habas na paglatigo ng Nigel na 'yun.

Narinig kasi niya ang sinabi ko kay Zyrone habang nasa harap si Bella Luna.

Nalaman nilang buhay ang anak ng kapatid nilang si Beatrice. At ngayon ay pilit nila akong pinapaamin kung nasaan na ito.

Agad naman daw nilang pinuntahan ang address na sinabi ko sa kanila pero wala na ito doon.

Tsk. At malay ko kung matagal na itong na anticipate ni Brixx. Na alam na nito na maaring sabihin ko sa kanila ang totoo.

" K-kate."

Napalingon ako kay Zyrone na ngayon ay pareho rin ang sitwasyon sa'kin.

Gusto kong mapamura sa kapatid niya dahil wala itong puso na ginawa ito sa'min.

Hindi ko lubos akalain na ganun kasahol ang kaluluwa ng lalaking 'yun. Pati si Zyrone na kapatid niya ay hindi pinalampas.

Para sa paghihiganti ay gagawin nito lahat.

" K-kate..I'm sorry." Umiiyak siya at nahihirapan akong tingnan ang kalagayan niya.

Umiling ako at napaluha.

Shit. Hindi dapat ako sumuko ngayon at magpadala sa sitwasyon namin. Marami na akong napagdaan at hindi ito lang ang tatapos sa'kin.

Makakalaya rin kami. Makakalabas din kami rito.

" It's okay. I'm fine." Sabi ko kahit ang hapdi na ng mga sugat ko.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto.

Nalaglag ang puso ko panandalian dahil sa sobrang kaba na baka bumalik na naman ang lalaking 'yun at tuluyan na kaming patayin.

" Kuya!!!"

Nakita ko si Tyrone na walang emosyon ang mukha na lumapit sa amin.

Malamig ang mga tingin na ipinukol ko sa kanya.

Tumingin siya sa'kin at hindi ko maintindihan ang kahungkagan ng naging pagtitig niya sa'kin.

Napalunok ako at biglang kinabahan na naman.

" Kailangan mo bang isakripisyo ang sarili mo Anthony para lang dito?"

Hindi siya sinagot ni Zyrone dahil galit lang itong nakamasid sa kanyang kapatid.

" Ikaw? Bakit mo 'yun ginawa kay Bella Luna? Tuluyan ka na bang naging katulad sa kuya, ha?! Kuya Tyrone..itigil mo na 'to. Parang awa mo na. Tama na."

Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Tyrone. Ilang sandali pa ay may kinuha siyang isang maliit na bag sa kanyang likod.

Binuksan niya ito at nakita ko 'run ang mga gamot para sa sugat.

" Fixed yourselves. Alam kong tatakas kayong dalawa. Pero kung gagawin niyo 'yun. Spare Bella Luna. Leave her alone." Matigas niyang saad habang nakatitig kay Zyrone.

" Sana hindi mo 'to pagsisihan sa huli. .kuya."

Umiwas ng tingin si Tyrone sa kapatid at napabaling sa akin.

" Alam kong wala ka ng babalikan sa mga Samaniego. That is why you are leeching my brother. But for this time..I am trusting you to take him away here."

Tumingin siya sa kabilang dingding.

" Nakikita mo 'yang maliit na itim na bato sa gitna? Press that and it will directly lead you to the ocean. Pero dahil nasa babang bahagi kayo ngayon ng kastilyo ay hindi ganun ka taas ang tatalunan niyo."

Napaawang ang labi ko sa mga sinabi niya.

Is he helping us to escape?

" This is my last chance I will help you Zyrone. Don't make stupid decisions again. I am freeing you from this family now. If one day you'll find your way back to us, you know that mom will always welcome you..no matter what."

Nakita ko ang kalungkutan sa mga mata ni Tyrone habang sinasabi 'yun sa kapatid. Kinuha niya ang kamay nito at sinimulang gamutin ang sugat nito.

" Kuya..tumakas ka na rin."

Natigilan si Tyrone.

" Paano ko gagawin 'yun kung ako mismo ang gumawa ng kulungang ito sa'tin?"

Natahimik ako at taimtim lang na pinagmasdan silang dalawa.

Siguro nga napakalayo ng hitsura nila sa isa't isa maging sa ugali. Pero alam kong sa kabila ng pagkakaibang 'yun ay nandyan pa rin ang pagmamahal nila sa bawat isa bilang magkapatid.

Tyrone is just doing his responsibilities for this family while trying his best to protect Zyrone.

" Kuya..hindi pa huli ang lahat para baguhin mo ang 'yong kapalaran. Hindi pa huli na itama ang lahat."

Hindi sumagot si Tyrone at nag concentrate lang ito sa paggamot kay Zyrone.

Pagkatapos sa kapatid ay ako naman ngayon ang ginagamot niya.

Napahinga ako ng malalim at hindi maisip kung bakit ginagawa niya sa'min 'to.

Alam kong kapag nalaman ito ng kuya nila ay magiging katulad namin ang sasapitin niya.

" If you're lucky to endure the pain, you'll be able to swim towards the island. Sa kaliwang bahagi, may isang maliit na isla 'dun. Lakarin mo lang ang likod na bahagi 'dun ay may makikita kayong isang escape boat. If you're lucky, you'll find the city. Bahala na kayo kung 'san kayo pupunta."

Tumitig ako sa kanya.

" Bakit? Bakit mo kami tinutulungan?"

Hindi niya ako sinagot at tumayo na lang. Nagsimula na rin siyang tumalikod sa'min.

" Mag-ingat kayo. .Zyrone."

Nang maisara na ang pinto ay napatingin ako sa dingding kung saan may isang kakaibang bato nga na nandoon.

Napalingon ako kay Zyrone na ngayon ay tulalang nakatitig sa pinto kung saan lumabas ang kapatid niya.

" Zy..kaya mo pa ba?"

Napatingin siya sa'kin at tumango ng marahan. Kahit na nahihirapan ay lumapit siya sa'kin para yakapin ako.

Isinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya.

" Bukas na tayo aalis. We will let our wounds recover."

Napapikit ako at ninamnam ang init ng kanyang katawan.

Hindi ko alam na mas nagiging magaan ang pakiramdaman ko ngayon hindi dahil sa gamot na nilapat ni Tyrone sa sugat ko kundi dahil alam kong kakayanin ko ang lahat ng sakit basta andito lang siya sa tabi ko. Buhay at lumalaban pa rin.

" Kate..if..if only..one of us will not make –

" Shhh. .We will make it, Zy. .together. Don't worry."

I let myself doze into sleep. Forgetting the pain and just be drown towards his warm body. It really comforted my bruises.

He kissed my forehead and whisper words that I really like to hear.

" I love you..I love you so much."

And in my dreams..I said I love you too..so much that I will sacrifice my life for this love.

BELLA LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon