38: Janesis Kate Sombrana

256 7 0
                                    

"Free bird "


Pinapahid ko ang dugo sa'king kamay gamit ang isang puting basahan habang nakaupo rito sa may bangin.

Nasa baba ay ang malawak na karagatan.

Huminga ako ng malalim at sinubukan burahin ang pait na nararamdaman dito sa'king puso.

Pero ano pa mang gawin ko ay hindi 'yun mawala.

Hanggang ngayon nandirito pa 'rin sa puso ko ang sakit.

Napapikit ako sabay napaiyak habang niyayakap ang duguang basahan.

Paano..bakit hinayaan ng pagkakataon na mabuhay akong muli?

Bakit kailangang ako pa ang mabuhay?

Bakit hindi nalang siya? Bakit ako pa?

Napapikit ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.

Bakit nabuhay ako?

Bakit..bakit...

Sa loob ng limang taon na pagtakas, paglayo at pagpaplano kung paano mapatay si Brixx, akala ko sapat na 'yung rason para magpatuloy ako.

Akala ko kapag nagawa ko ng makamit ang hustisya ay lalaya na ako. Akala ko makakalaya na talaga ako.

Pero hindi..hindi ako nakawala sa sakit na 'to.

Hanggang ngayon patuloy pa rin akong nasasaktan isipin ang lahat.

Bakit..bakit Zy..bakit..

Bakit ang sakit pa 'rin?

Napahiga ako sa damuhan at tiningnan ang kalangitan.

Pinahid ko ang mga luha at tahimik na pinagmasdan ang napakapayapang langit.

" Nandiyan ka ba, ha?"

" Ha?! Nandyan ka ba?!!!"

Umiyak na naman ako.

" Pucha Zyrone!!! Pucha!!!"

Tinakpan ko ang mga mata gamit ang braso ko.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong may pumatak na ilang butil ng ulan. .at umulan nga.

Pero imbes na umalis ako ay nagpakalunod nalang ako sa malakas na ulan.

Napapikit ako habang umiiyak pa rin kahit sa kabila ng basang basa kong katawan.

Hindi ko alam kung anong oras na tumila ang ulan. Basta ang alam ko nakatulog pala ako.

Dapit hapon na nang magising ako.

Tumayo ako at huminga ng malalim.

Tinapon ko ang basahan na puno ng dugo at kinuha ang aking baril.

Lumapit ako sa dulo ng bangin at tiningnan ang dagat sa ilalim.

" Kung hindi kita kasama sa buhay na 'to, susunod nalang ako sa'yo."

Tinutok ko ang baril sa gilid ng aking noo.

Napapikit ako at umiyak.

Isa..

Dalawa..

Tat-

Napadilat ako nang may biglang kumuha ng baril ko.

Paglingon ko ay nakita ko siya.

" Anong-

" Tama na 'yan."

" Ibalik mo 'yan sa'kin!!"

" Itigil mo na 'to, Jane."

Natigilan ako at parang nagising bigla sa mahabang panaginip.

" She's waiting for you. Iiwan mo 'rin ba siya?"

Para akong nahiya ng sobra sa mga nagawa.

Napayuko ako at umiyak na naman.

Napahawak ako sa'king ulo at napaupo habang hindi magkamayaw sa pag-iyak.

Narinig ko siyang napabuntong hininga.

" Janesis, halika na. Hinihintay ka na ng anak mo."

Napatigil ako sa pag-iyak at mas lalong nanlumo.

Napapikit ako nang maalala na naman ang lahat.

Oo nga pala.

Kaya hanggang ngayon patuloy pa rin akong nabubuhay ay dahil..sa kanya.

" Where is she, Night?"

" Nasa sasakyan. Gaya ng utos mo, kinuha ko na siya kay Tyrone, dahil sabi mo kapag natapos mo nang gawin 'yun ay isasama mo na siya sa'yo."

Napaangat ako ng tingin sa kanya.

Inilahad niya sa'kin ang kamay upang patayuin ako.

Kinuha ko 'yun at tumayo na.

Nagsimula na kaming maglakad patungo sa sasakyan ko.

Nakita ko mula sa bintana ng sasakyan ang isang batang babae na ngayon ay nakatingin sa'kin.

Binuksan ni Night ang pintoan ng sasakyan at bumaba 'run ang bata.

" Sino po siya tito?"

Nagsimula na naman akong maluha nang makita siya.

She really looks like him. She got his innocent eyes.

" Fin, she's your mom. You remember?"

Nanlaki bigla ang mata nito sa tuwa at mabilis akong niyakap.

Medyo basa pa ako pero niyakap pa rin ako nito.

" Mommy..."

Napakurap ako at napahawak sa kanya.

Napapikit ako at napahinga ng malalim.

" Mommy..I miss you so much."

Napangiti ako ng mapakla.

Shit Zy..hanggang ngayon ang daya mo pa 'rin. You let me live and leave me this one.

You really want me to stay alive and be ..finally free.

The End-

(NP: Ghost- Acoustic by Ben Woodward 🎶🎶)

BELLA LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon