9: Zyrone Anthony Silverio

111 6 0
                                    

"Execution"

"I love you."

Napaangat ako ng tingin sa kanya nang marinig 'yun.

Nasa Student Council office kami rito sa last floor ng building ng school. Kami nalang dalawa ang natira kasi may pina-polish pa kaming letter para sa admin ng school para sa gaganaping student leader summit sa Baguio. Kami kasing dalawa ang dadalo.

" Jane. . .

" I know. I know you've been with Bella Luna lately. I do not know what kind of relationship you have with her whether it is serious or not, but Zy. . you must know that—

Natigilan siya habang ang labi ay bahagyang napaawang. Bahagya siyang napayuko at hindi na ulit nagsalita.

Natahimik naman ako. Hindi ko maintindihan ang puso kung bakit tumibok ito ng malakas.

Dati ko ng binalaan ang sarili na wag magpa-apekto sa kanya dahil may plano pa akong kailangan isakatuparan.

Kahit sa kabila ng hindi ko mapigilang nararamdaman sa kanya ay pilit ko 'yung tinago alang-alang sa pamilya ko.

Araw-araw ay ipinapaalala ng kuya Tyrone ang tungkol sa plano.

Ngayong araw pa talaga. Kung kailan.. .

" Zy.. I'm sorry." I see her stare at me and almost cry.

Gusto ko magsisi kung bakit hinayaan kong mangyari ito sa kanya. I mean kung bakit kailangan namin maranasan 'to.

Noon pa man alam ko na may espesyal talaga akong pagtingin sa kanya. Pilit kong itinago dahil sa plano.

Pero nang marinig ko ito sa kanya ngayon ay tila gusto kong sabihin din sa kanya na ako rin. Ako rin, mahal ko rin siya.

Pero paano? Paano ko masasabi 'yun kung masyado nang huli ang lahat para umatras ngayon.

Huli na para tumalikod sa'king mga obligasyon.

" Do you love her? Bella Luna?"

Napalunok ako at malungkot siyang tiningnan.

" Zy..mahal mo ba talaga siya?"

Sinasabi ng isip ko na hindi. Pero hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit tila gustong sumikip ng puso ko kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo. At saka..hindi ko nga ba mahal si Bella Luna?

Sa halos anim na buwan namin na lihim na nagkikita at gumagawa ng mga kababalaghan ay tila nalulong na ako sa kanya. Sa mga ginagawa niya sa akin.

Hindi ko alam siguro masyado na akong nadadala sa pagpapanggap na ito na hindi ko na maintindihan ang sarili kung sino na ba talaga ako.

Si Zyrone na bumalik ng San Ignacio para ipaghiganti ang pamilya niya o si Zyrone na mahal siya. Mahal na mahal si Janesis.

" Please Zy..tell me." Seeing her hurting like this is a torture already.

Napayuko ako at bumuntong hininga. Kalaunan ay isang mahinang tango ang iginawad ko sa kanya.

Nakita ko siyang napaiyak at napalabi. Agad niyang pinahid ang mga luhang tumulo sa mukha at tumayo.

Hilaw siyang ngumiti sa akin at kinuha na ang kanyang mga gamit sa mesa.

" Ah, sege ,..pasensya ka na sa nasabi ko sa'yo. Mauna na ako."

Magsasalita pa sana ako nang hindi ko nalang itinuloy. Nakita ko siyang mabilis na lumabas na ng room.

Napakuyom ako sa kamao at huminga ng malalim.

BELLA LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon