"Meeting de Avance"
Kasalukuyang ginaganap ang meeting de avance dito sa gym ng skul namin. Pagkatapos nito ay magsisimula na ang butuhan at bukas ay malalaman na kung sino ang mga mananalo.
Katatapos lang gawin ang isa-isang speech ng mga kandidato. Halos lahat ay maaayos naman ang mga platapormang ipinahayag.
Nasa part na kami ngayon kung saan magkakaroon ng free debate ang bawat magkalabang kandidato. At ito na nga magkaharap na sa stage sina Jane at Bella Luna.
Bawat isa binibigyan ng limang minuto para sabihin ang gusto niya, may kinalaman man ito sa kalaban na kandidato o sa plataporma nito.
Unang nagsalita si Bella Luna na halatang kinakabahan sa relax lang na kalaban sa harap niya.
Hindi ko naman mapigilan ang sarili na mapangiti ulit. Parang gusto ko itong nakikita ngayon. Hindi ko akalain na makikitang naaapektuhan siya. Aminado akong lahat ng mga estudyante sa eskwelahang ito, hindi man ipinapahalata ay pareho rin ng nararamdaman sa akin.
Alam kong matagal din nila gustong makita na matalo at maapektuhan itong Bella Luna na ito.
Narinig ko siyang tumikhim muna bago nagsalita.
" If I win as the student council president, I can assure that everyone will enjoy the previlige they desire to have. I can ask my dad to provide some scholarships to the students who need it. I can also donate another building for this school."
Lahat ay nagbulungan sa sinabi niya. Lahat ng estudyante ay parang na excite sa sinabi ni Bella Luna. Napapalakpak na rin sila. Maging ang mga professor ay na excite rin sa nalamang madadagdagan na naman ng isang building ang school kapag ito ang nanalo.
Tsk. Napakawalang kwenta ng ideya niya. Wala ba siyang plataporma na manggagaling sa kanya? Sa sarili niyang sikap? Bakit kailangan niyang iasa lahat sa papa niya?
Sabagay. Hindi na nakapagtataka. Ito rin siguro ang itinuro sa kanya ng pamilya niya. Madaling mapapasunod ang mga tao kung oofferan mo lang sila ng pera.
Kung may pera ka, magagawa mo talaga ang gusto mong gawin.
Hindi ko maiwasan na ma frustrate para kay Jane. Napatingin ako sa kanya na tahimik lang nakatingin sa mga nagsisigawang estudyante. Halos lahat sa kanila ay isinisigaw na ngayon ang pangalan ni Bella Luna.
Pero bilib din naman ako sa kanya. Wala akong nakikitang pagkabahala man lang o pagkatakot sa reaksyon niya.
"Since you can easily do that whether you win or not in this election. Might as well you do that not with the intention of winning their votes. What our school need is someone who can fulfill the duties of a leader, not just a mere rich kid who only want fame and desire to control the students just like what some families are doing in the people of this city."
Napanganga kami sa walang habas na salita ni Jane. Lahat ay natahimik sa sinabi niya. Parang kami ang kinakabahan sa mga sinabi niya.
Bakit ganun ka prangka ang mga salita niya?
Nakita kong napayuko si Bella Luna halatang pinipigilan ang sarili na ipakita ang takot at pagkaapekto sa mga narinig mula kay Jane.
Nang isalang muli ang pagkakataon kay Bella Luna para maka rebut siya sa mga sinabi ni Jane ay hindi ito makapagsalita. Parang natameme ito habang takot na nakatingin kay Jane.
Nasayang lang ang limang minuto nitong pagkakataon na ipangtanggol ang sarili laban sa mga akusasyon ni Jane sa kanya.
" I bet all of you here wants change. Ain't you get tired fearing those people above us? We live in a democratic country. But why we people here in San Ignacio could not enjoy that privilege? Why we keep locking ourselves in the control of other people? Nakalimutan niyo na ba ang ginawang gulo ng pamilya niya noon? Masyado na nga ba tayong bulag at hindi natin makita ang katotohanan?"
" Kontento na lang ba kayong maging sunod-sunoran sa pamilya nila? Hindi ba natin alam na ang dahilan kung bakit patuloy pa rin tayo nakakulong sa kanilang impluwensiya ay dahil mismo tayo ang nagluklok sa kanila sa posisyon na iyan? "
"Uulitin niyo pa ba ang ginawang pagkakamali ng mga magulang niyo noon? Na maging sa isang maliit na eskwelahang ito ay hahayaan niyo ang isang Samaniego na pamunuan ulit kayo? Lilinlangin mula sa magagandang pakulo nila. Too late to know that it was our own money they're using on deceiving us."
Lahat ng tao rito sa gym ay natameme sa sinabi ni Jane. Hindi ako makapaniwala na sa bayang ito na kung saan ang salita lang ng mga Samaniego ang nasusunod ay may isang babae na matapang na inilahad ang katotohanan.
Napakakalma lang niya habang sinasabi lahat iyon. Makikita mo sa mga mata niya ang senseridad sa bawat salita niya. Her words are full of conviction for us to be convinced that finally someone is brave enough to voice out what these people in this place are longing to say one day.
Now she is standing in front of these students who might be the next voters in the next national election. Brave enough to elaborate those words not thinking that it might done her no good in the end knowing what can a Samaniego do for those who chose to oppose them.
" Manalo o matalo man ako sa labang ito ngayon. Sana nagkaroon pa rin ng epekto ang mga sinabi ko sa inyo. Sana naliwanagan ang inyong isipan sa kung sino dapat ang masusunod sa lugar na ito. Sana hindi lamunin ng takot ang inyong kalayaang piliin kung sino ang nararapat sa posisyon na maging lider niyo."
Pagkatapos sabihin yun ay mabilis siyang tumalikod at mabilis na umalis sa stage na iyon. Habang naiwan kaming lahat na hindi alam paano iproseso ang mga sinabi niya.
Janesis Sombrana. The first person in this place who does not want to be controlled by the Samaniego.
Natapos ang meeting na iyon na nag-iwan pa rin ng kakaibang ngiti sa aking labi.
Mukhang hindi na ako mahihirapan ngayon sa mga pinaplanong paghihiganti sa pamilyang iyon. Dahil alam ko hindi pala lahat ng mga tao sa lugar na ito ay kaya nilang pasunurin. Hindi lahat naniniwala sa mga Samaniego.
Kinabukasan nalaman na agad kung sino ang nanalo. Lumabas sa resulta ng botohan na nanalo halos lahat sa independent party.
Nakangiti akong napataas ng kamay sa harap ng estudyante sa eskwelahang ito. Ako kasi ang nanalo bilang vice-president.
Gustuhin ko man na si Bella Luna ang manalo na student council president dahil nanalo rin ako pero hindi ko mapigilan ang sarili na mapatingin sa katabi.
Nakangiti siyang nakatingin sa mga estudyante habang sinisigaw ang pangalan niya. Nang tawagin ang pangalan niya bilang bagong student council president ay lalong umingay sa loob ng gym.
Janesis Sombrana, you made a history right at this moment.
Hindi ko alam na ganito pala kasabik ang mga tao sa lugar na ito na makawala na sa wakas mula sa pagkontrol ng pamilya Samaniego. Na kahit sa isang maliit na eskwelahan naranasan nila kung paano maging malaya.
Itinaas na namin ang aming mga kamay bilang tanda ng aming pagkapanalo.
Nagulat pa ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Nagitla ako sa kuryenteng dumaloy sa aking kamay. Nakangiti siyang nakatingin sa akin.
" Congratulations, VP!"
Hindi ako makasagot sa sinabi niya. Tila ang ingay ng gym na iyon ay hindi ko marinig at nakafocus lang ang atensyon ko sa mukha niyang payapang nakangiti sa akin.
Biglang bumuhos ang maraming confetti dito sa stage at napuno ng kulay ang aking mga mata habang nagsoslow motion ang lahat.
Tinitingnan ko siyang masayang sinasalo ang mga confetti at inihahagis iyon sa akin.
Hindi ko akalain na minsan sa buhay kong puno ng paghihiganti magkakaroon ako ng sandaling katahimikan mula sa mga ngiti niya na puno ng kapayapaan.
Ngayon ko lang naramdaman ito. Ngayon lang kung saan nakita ko ang mga ngiti niya. Hindi ko alam at gusto ko na tuloy hilingin na sana araw-araw ganito.
Sana araw-araw ganito kagaan sa pakiramdamn ang lahat na walang inaalintanang pangamba. Na walang galit na maramdaman at puno lang ng katiwasayan ang lahat.
Sana araw-araw ganito kasaya.
BINABASA MO ANG
BELLA LUNA
General Fiction( SAVAGE LOVE SERIES 1 ) 'Patayin si Bella Luna Samaniego!' That is what Tyrone instilled to the mind of his younger brother Zyrone Silverio. To kill the youngest and only daughter of the Samaniego family. They have a plan. That plan was crafted eve...