" Nag-aapoy na Kastilyo"
Nagising ako mula sa malakas na paghampas ng alon. Napadilat ako nang marealize na totoong naririnig ko 'yun.
Mabilis akong napabalikwas ng bangon nang makita ang buong paligid.
Anong ginagawa ko rito?
Bakit ako nandito?
Hinawakan ko ang sarili at napatingin sa tiyan ko. Nagtaka naman ako kasi nararamdaman ko pa rin ang bigat nito.
Anong?
Anong ibig sabihin nito?
Buhay ako?
At...at andito pa ako ngayon sa kwarto niya.
Napaawang ang labi ko nang maalala ang lahat.
Teka? Anong oras na ba?
Nakita ko ang orasan sa ibabaw ng pinto. Alas otso na pala ng gabi.
Nakita ko ang pagkain na nakapatong sa bedside table.
Agad naman akong nakaramdam ng gutom.
Anong nangyari? Panaginip lang ba 'yun?
Akala ko katapusan ko na talaga.
Paano..bakit..?
Biglang bumukas ang pinto at nagulat ako sa nakita.
" Tama nga ako. Buhay ka pa."
Napaatras ako nang lumapit si Nigel sa akin. May mga tauhan siyang kasama.
Napadilat ako nang tinutok niya ang baril sa akin.
" You should be dead now. Kung hindi kayang gawin ni Tyrone, ako ang gagawa!!"
Napatakip ako sa tenga at napayuko.
Napapikit ako ng mariin sa mangyayari.
Ang lakas ng tibok ng puso ko.
" Sandali.."
Nakita kong natigilan siya at ngumisi ng mapakla sa'kin.
" Kunin niyo siya! Dalhin sa labas at ipatawag si Tyrone. I wanna see how Tyrone will kill her."
Napaiyak ako dahil sa marahas nilang paghila sa'kin.
Shit. Akala ko katapusan ko na kanina at nang magising na buhay pa ay hindi ko maikakailang nakahinga ako ng maluwag.
Pero mukhang hindi na mangyayari ulit 'yun.
Hinihila ng Nigel ang mahaba kong buhok habang mabilis na pinapaandar niya ang kanyang wheelchair.
Nahihirapan akong sumabay sa kanya dahil na rin sa kalagayan ko.
Ang sakit sa buhok ng ginagawa niya.
" Aray!"
Tinulak niya ako sa isang kwarto na kung saan nakita ko run ang napakaraming dugo.
Teka, kaninong mga dugo 'to?
" Kuya!!"
" Good at andito ka na."
" Di ba sabi ko sa'yo bukas ko na gagawin. Bakit siya andito—
" I want to watch how you gonna kill her."
Napaawang pareho ang mga labi namin ni Tyrone. Napatingin siya sa'kin habang nahihirapan ako sa pagluhod. Hinila na naman kasi ng kuya niya ang mahaba kong buhok.
Umiiyak na ako nang maramdaman ang baril ni Nigel sa ulo ko.
" Gagawin mo o ako ang gagawa!"
Diniinan pa niya lalo ang pagtutok na siyang nagpasinghap sa akin.
BINABASA MO ANG
BELLA LUNA
General Fiction( SAVAGE LOVE SERIES 1 ) 'Patayin si Bella Luna Samaniego!' That is what Tyrone instilled to the mind of his younger brother Zyrone Silverio. To kill the youngest and only daughter of the Samaniego family. They have a plan. That plan was crafted eve...