2: Zyrone Anthony Silverio

203 8 0
                                    

"Student Council President"

" Haynako! Like father like daughter talaga. Gusto rin kontrolin ang skul na ito."

" Ano pa bang magagawa natin? Eh paniguradong mananalo na yan. Walang sinuman ang magkakamaling kumalaban diyan, nu."

Tahimik lang akong nakikinig dito sa bulungan ng mga estudyante na nasa pasilyo ng skul. Ngayon na kasi malalaman kung sino ang mga tatakbo for student councils. Naisip ko ring isalang ang sarili at tatakbo.

Kung tama ako ng hinuha ay tatakbo bilang student council president si Bella Luna. Kaya naman para mas mapalapit sa kanya ay kailangan ko ring tumakbo bilang Vice-president nang sa ganoon maging madali sa akin ang lahat.

Nasa malaking gym kami ngayon ng skul na ito. Isa-isa ng ipinakilala ang dalawang magkalaban na party para sa malakihang eleksyon ng eskwelahan.

Pero nagtataka ako sa kalabang party nila Bella Luna kasi wala man lang tumakbo bilang student council president. Tama nga ang ibang studyante, walang sinuman ang mangingiming kalabanin ito.

Ilang sandali pa ay sinimulan na ring ipakilala ang nasa independent parties. Medyo marami-rami kaming nasa independent. Pero mukhang ako lang iyong tumakbo sa vice-president.

" Now for the student council president under the independent party, we have Janesis Kate Sombrana!"

Biglang natahimik ang buong gym matapos marinig iyon. Hindi ko akalain na may isang taong magkakalakas ng loob na kalabanin si Bella Luna.

Lahat kami ay napatingin sa isang babae na nasa gitna na ngayon ng stage. Nagulat pa ako nang makilala kung sino siya.

Noong nakaraang buwan ay bihira ko siyang makita sa klase namin. Matalino nga ito pero mukhang pala-absent naman. Sayang yung talino niya.

Pero hindi ko akalain na makikita ko siya ngayon dito. Medyo maayos na itong hitsura niya ngayon. Nakaponytail na ng maayos ang buhok niya at mukhang nakaligo na rin ito. Hindi na rin ito mukhang inaantok.

Aminado ako sa kaba ng lahat ng tao habang napapatingin sa kanya. Pero nang mapansin ko ang relax niya na reaksyon ay napangiti ako ng lihim sa aking sarili.

Sa wakas may isang tao na rin ang nagkalakas ng loob na kalabanin ang isang Samaniego. Hindi isang Silverio kundi isang ordinaryong tao lamang.

Hindi ko alam kung bakit natutuwa ako sa ideyang iyon. Mukhang magiging exciting ito. Kahit na alam kong mananalo naman si Bella Luna pero ano kaya ang mararamdaman niya na may isang tao palang gusto siyang kalabanin.

Napatingin ako kay Bella Luna na noon ay seryoso lang nakatingin kay Jane. Nagkatinginan sila at hindi ako magkakamaling pansinin ang biglang pagngiti ni Jane sa kanya na animo hinahamon pa siya sa mga ngiting iyon.

Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

Napatingin naman ulit ako kay Jane. May nahihimigan ako na parang hindi nito gusto si Bella Luna. Kaya nga ba kinalaban niya ito ngayon?

Lumipas ang mga araw at ang lahat ng mga tumakbo sa eleksyon ay naging abala na sa pangangampanya. Ang party nila Bella Luna ay napakaganda ng ipinakitang strategy sa pangangampanya. Nagkaroon agad sila ng free both na kung saan nag-ooffer ng mga pagkain na labis namang ikinatuwa ng karamihan.

" Iba talaga kapag marami kang pera. Nagagawa mo ang gusto mong gawin."

Napalingon ako sa kasamahan ko sa independent party. Nakilala kong siya si Althea, education student at tumatakbo para sa posisyon na sekretarya.

" Wag kang mag-alala. Walang kwenta ang pera niya kung bulok naman ang mga plataporma niya."

Nagulat kaming dalawa sa biglang dumating. Inakbayan niya bigla si Althea.

" Sa tingin mo Jane, matatalo mo kaya siya?" Nag-aalalang tanong ni Althea sa kararating lang na babae.

Nakangiting tumingin si Jane rito.

" Oo naman! Bayaan mo walang panama yan sa meeting de avance bukas."

Mukhang confident siya sa kanyang mga sinabi. Sabagay kung ikukumpara ko silang dalawa ni Bella Luna halata namang mas matalino ito. May nakikita akong kakaibang tapang sa mukha niya ngayon. Matindi talaga ang determinasyon niyang manalo sa laban nila ni Bella Luna.

Ilang sandali pa ay napatingin siya sa akin. Napatda naman ako at mabilis na napaayos sa aking salamin sa mata.

" Kumusta ka na pala, Zyrone right?" Napatingin lang ako sa kanya na casual lang na nakipag-usap sa akin. Animo wala akong nakikitang na-aawkwardan siya sa akin ngayon.

" Ok n-namn ako." Medyo nauutal ko pang sagot sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit nagkakaganito ako sa tuwing lumalapit siya. Nababalisa at hindi maintindihan ang kabang nararamdaman.

" Mabuti naman. Pasensya ka na talaga noong nakaraan. Medyo sabog lang kasi ako ng kaunti ng mga panahong iyon. By the way..I'm Jane. Janesis Kate Sombrana."

Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit bigla akong natameme sa kamay niya. Hindi ko magawang tanggapin yun agad.

Nakita kong napalabi siya at binawi nalang ang kanyang kamay. Napayuko siya ng kaunti na animo nahihiya pa sa ginawa ko.

Shit. Zyrone! Anong bang nangyayari sa iyo?

" Sege, Althea! Mauna na ako sa inyo! Magkita nalang tayo bukas."

Nakangiti niyang saad at kumaway na sa amin habang patakbong umalis na.

Gusto ko sana mag-apologize sa kabastusang ginawa sa kanya pero hindi ko alam kung bakit parang nalunok ko yata ang dila ko at hindi makapagsalita.

" Sana naman manalo siya. Kahit na may reputation siya na pala-absent pero compare sa maarteng Bella Luna na iyon. Mas gusto kong siya pa rin ang maging student council president. Alam kong kaya niyang maging magaling na lider sa atin."

Napalingon ako kay Althea na animo nangangarap pa habang sinasabi iyon.

Kung sabagay kahit imposeble ay parang gusto ko na rin ito ang manalo. Kung matatalo ako sa eleksyong ito, hihilingin ko nalang rin na sana matalo rin si Bella Luna.

BELLA LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon