6: Tyrone Blake Silverio

198 7 0
                                    

"Coming back home"

" Ma, ano pong nangyari kay Ate?" tanong ng isang dose anyos na anak na lalaki ng mga Silverio. Siya ang ika-anim na anak ng mag-asawa.

Pero hindi siya sinagot ng ina bagkus napahagulhol lang ito sa harap niya.

" Tyrone..ang ate mo."

Tiningnan niya ang kanyang ate na natutulog sa kama nito. Simula nang makabalik ito mula sa poder ng mga Samaniego ay parati nalang itong umiiyak. Minsan sumisigaw at natutulala.

Hindi niya gusto ang nakikitang paghihirap ng mga magulang lalo na sa sinapit ng kapatid na babae ngayon.

Nakakagalit isipin na sa murang edad niyang ito ay naintindihan na niya kung gaano kahirap ang sitwasyon nila ngayon lalo na sa nangyari sa tatlo niyang kapatid. Ang dalawang kapatid niya na lalaki na sina Dylan at Failon ay nasawi sa gyera noong nakaraang taon at ngayon naman ang panganay nilang kapatid ay nabaliw dahil sa ginawa ng dalawang magkapatid na Samaniego.

Lumipas ang mga araw na wala na talaga silang nagawa sa kondisyon ng ate Beatrice nila. Isang araw nang hahatdan niya sana ito ng gatas sa kwarto nito ay hindi niya inasahan ang nakita.

" Ate!"

Nakapatong kasi ito sa may barendilya sa veranda ng kwarto niya. Napalingon ito sa kanya habang umiiyak.

" Tyrone...

" Ate! Huwag! "

Lalapit na sana siya sa kapatid para hilahin ito pero natigilan siya nang magsalita na ito.

" I'm soryy Tyrone.."

Ilang sandali pa lang ay hindi niya inasahan ang sumunod na nangyari. Napasigaw siya ng malakas nang bigla itong tumalon mula sa veranda.

Nalaglag ang hawak niya na baso na may laman na gatas. Mabilis siyang napatakbo papunta sa veranda at nakita ang bumagsak na katawan ng kapatid na babae. Puno ng dugo ang ulo nito na wala ng buhay na nakahiga.

Hindi niya alam anong gagawin kung sisigaw ba siya o hihingi ng tulong. Sa lahat ng kapatid niya, dito lang siya mas malapit.

Hindi kasi siya iyong tipo ng bata na palakaibigan pero pag andyan ang ate niya ay nagagawa niyang sabihin ang mga gusto niya rito at malugod naman siya nitong pinagbibigyan kung ano man ang hilingin niya.

Biglang tumulo ang luha niya sa nasaksihan.

" Ateee...

Dahil sa nangyari sa kapatid ay kinagabihan ay mabilis nilang isinugod ang papa nila sa hospital dahil inatake ito sa puso nang malaman na nagpakamatay ang panganay na anak.

Naging sunod-sunod ang trahedyang naganap sa pamilya nila at dahil yun sa kalabang pamilya nila. Ang mga Samaniego!

Ilang araw pa lang ang lumipas mula nang mailibing nila ang kapatid at ama ay bigla nalang sumugod ang mga Samaniego sa hachienda nila.

Walang awa nitong sinunog ang kanilang mansion.

Umiiyak siya habang nakakulong sa loob ng banyo ng kanyang kwarto. Masyado ng malaki ang apoy sa kanilang bahay at hindi na siya makalabas.

Hindi na rin niya mabuksan ang pinto dahil sa sobrang init nito.

Pinapaandar niya ang gripo para man lang lumamig sa pakiramdam. Marami na rin siyang usok na nasinghot kaya medyo nahihilo na rin siya.

Akala niya katapusan na talaga niya yun. Akala niya wala nang sasaklolo sa kanya nang biglang bumukas ang pinto at dumating ang kuya Nigel niya. Ito nalang ang natitirang panganay na lalaki sa pamilya nila.

BELLA LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon