32: Janesis Kate Sombrana

111 7 0
                                    

"free heart"

2 days before it happen. . .

Nagising ako mula sa naramdamang paghaplos niya sa haba ng ilong ko. Pabalik-balik niya itong ginagawa na nakapagdulot ng kakaibang kiliti sa'kin.

Nagpanggap ako na hindi pa nagising upang namnamin ang kanyang ginagawa.

Nasa ilalim kami ng isang malaking puno ngayon. Nasa harap namin ang napakalawak na damuhan. Nakahiga ako sa mga hita niya habang kunwaring natutulog.

The sun's heat is on my skin. Radiating its light to us.

Sinubukan kong hindi mangiti sa ginagawa niya pero alam ko sobrang payapa ang inihahatid 'nun sa'kin.

Sa mga pagkakataong ganito, nakakalimutan ko ang lahat. Ang realidad at ang katotohanan.

Sa tuwing kasama ko siya ay hinahayaan ko ang sarili na isipin na totoo ang lahat ng ito. Na hindi lang kami naglalaro sa bawat isa.

Zyrone's coming to my life is like a spring season to me. It warms me to the most unusual way. Weird feelings started to grow also.

Pero alam ko kahit anong gawin kong pagpapanggap. Alam kong may katapusan ito.

Napadilat ako. Imbes na makita ang damuhan pero ang tanging natanaw ko lang ay ang maliit na bintana sa itaas ng bubong.

Araw-araw sa tuwing tinitingnan ko ito ay parang binibigyan ako nito ng pagkakataon na mangarap muli. Nagbibigay sa'kin ng isa pang pag-asa na gusto akong paniwalain ulit na darating ang araw na makakalaya rin ako.

Napalingon ako sa kanya na ngayon ay taimtim lang na nakatitig sa'kin.

Napahinga ako ng malalim isipin ang kanina na panaginip.

Sa loob ng anim na buwan na naging kami, inaamin ko, iyon ang mga pinakamasasayang araw sa buhay ko.

Sinabi ko noon sa sarili na hindi ako iibig ng lubusan sa isang tao. Walang puwang para sa akin ang umibig ng totoo kung ang lahat ng nasa paligid ko ay puro kasinungalingan naman.

Pero nang makita ko siya ay parang sasabog ang puso ko isipin na kailanman nagpapatunay lang siya ng matinding kabiguan sa akin.

Kailanman alam kong hindi kami magiging totoo.

Isa lang siya sa mga kasinungalingan sa buhay kong ito.

Pero bakit habang lumilipas ang araw ay mas lalo kong nilalabanan ang sinasabi ng aking puso na..hindi.

Hindi totoong hindi kami totoo dahil alam ko dito sa puso ko, ang pag-ibig ko sa kanya ay totoo.

" Anong gagawin mo kapag nakalaya ka na rito?"

Araw-araw ay ganun palagi ang tanong niya sa'kin. Pero hindi ko lang siya sinasagot dahil ayaw kong sabihin sa kanya na hindi ko alam.

Na ang manatili rito na kasama siya ang pinaka-ligtas na nangyari sa akin.

" Kapag dumating ang pagkakataon na makalabas tayo rito, sumama ka sa'kin."

Napatda ako sa biglang sinabi niya.

" May isang lugar ako na inihanda na kapag gusto kong tumakas sa buhay ko ay doon ako tatakbo. Minsan naisip ko rin na baguhin ang takbo ng aking buhay. Gaya ng sinabi mo, I have all the privilege to change my destiny."

Nagkatitigan kaming dalawa. Napahinga ako ng malalim at napayuko.

" Bakit ..bakit mo gustong dalhin ako 'run?" Mahina kong tanong sa kanya.

BELLA LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon