" Malayang Ibon"
" Bella Luna! Anong ginagawa mo?"
Napaangat ako ng tingin kay Zyrone na nagtatakang napatingin sa hawak ko.
Pilit kumakawala ng ibon sa kamay ko.
Pero piniga ko pa 'to lalo upang hindi siya makahinga at tuluyan ng mamatay.
" Huwag! Ano ka ba?!"
Napangisi ako mula sa reaksyon niya.
" Relax baby, it is just a bird."
Isa pang piga ay tuluyan na itong namatay.
Nakanganga siyang hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
" Bakit?" Nawala ang ngiti ko nang makita kung gaano siya kaapektado sa ginawa ko.
" Bakit mo 'yun ginawa? Inaano ka ba ng ibon?"
Umupo ako at naghukay ng hindi gaano kalalim sa lupa. Inilagay ko sa hinukay ang ibon na pinatay ko at tinabunan na ito ng lupa.
" That innocent bird never do anything to you! Why kill it?!"
Tumayo ako at pinagpag ang ilang lupa sa'king kamay.
" The bird has a broken wings. Hindi na siya makakalipad pa. Kesa magdusa. Binigay ko sa kanya ang kalayaan. I killed it to end its pain."
Maang siyang napatitig sa'kin. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
" C'mon baby, relax. It's just a bird. A dying bird. I just give it mercy. Death is its salvation."
" Bella Luna.."
Ngumisi ako sa kanya at naglakad na papunta sa kotse ko.
" You know that we can bring it to the Vet. Magagaling pa siya—
" Zy—please. You're just prolonging its pain. Hindi na rin naman siya magtatagal."
On that day I realize how different he is to the other men that I know.
Ilang araw niya akong hindi kinibo dahil sa ginawa ko. It would have been a pity and lame reason, but he was really pissed from what I did to the bird.
" Remember that bird incident Zy?"
I lifted his chin and try to look him in the eyes. But I couldn't look him there properly.
Wasak na wasak ang mukha niya dahil sa pagkakabugbog ni Brixx sa kanya.
" Baby, are you still upset with me because of killing that bird?"
Isang matalim na titig ang binigay niya sa'kin.
" I'm sorry, but Zy..looking at you now reminds me of that bird. Should I kill you now to end your pain?"
Dinaluhong niya ako para saktan pero hindi niya 'yun nagawa kasi nakatali siya sa isang bakal na upuan.
Sumisigaw siya pero hindi ko 'yun maintindihan dahil sa nakatakip sa kanyang bibig.
Tinago ko ang baril sa aking bewang at napahalukipkip.
Ilang sandali pa ay naisipan kong hilahin ang duck tape sa kanyang bibig.
" Patayin mo nalang ako! Sinabi ko na sa'yo lahat ng lugar na posibleng pagtaguan ng kuya ko! " Tumawa siya ng pagak.
" Pero wala kayong naabutan, di ba? Kung ako sa inyo ay maghanda nalang kayo. Hindi mo kilala ang kuya ko! Ilang taon kaming nanahimik at hinintay ang pagkakataong 'to! Sa tingin mo, ganun nalang kadali 'yun? Ha?! Kahit paulit-ulit niyo pa kaming saktan. Durugin at putulin ang ano mang parte ng aming katawan, hinding hindi niyo kami mapapabagsak! Hangga't may Silverio nabubuhay sa mundong 'to ay hinding hindi kayo matatahimik! Magbabayad ka—
BINABASA MO ANG
BELLA LUNA
General Fiction( SAVAGE LOVE SERIES 1 ) 'Patayin si Bella Luna Samaniego!' That is what Tyrone instilled to the mind of his younger brother Zyrone Silverio. To kill the youngest and only daughter of the Samaniego family. They have a plan. That plan was crafted eve...