" Falling Bird"
1 hour before it happen. . .
" Kuya tama na!!!!!"
Malakas na sampal ang dumapo sa'king mukha na siyang nagpadugo sa'king labi. Natumba ako at parang umikot ang paningin sa ginawa ng kuya ni Zyrone.
We were about to do our escape when this bastard came and do this.
Hinila niya ulit ang buhok ko at kinaladkad at sinampal sa mukha.
Nakita ko si Zyrone habang hawak ng mga tauhan nila.
Sinipa ako ng isang tauhan nila at akala ko mawawalan na ako ng malay dahil sa sobrang sakit nun.
" Kate!!!!"
" Tumahimik ka Zyrone!!!"
" Kuya! Tama na! Maawa ka!! Hayaan mo na kami!!! Maawa ka!!!" Sobrang nahihirapan ako habang tinitingnang hindi magkamayaw sa pag-iyak si Zyrone. Pinilit niyang kumawala sa mga lalaking nakahawak sa kanya pero hindi niya magawa.
" Kuya please...please..maawa ka."
Pero tumawa lang ng pagak itong kuya niya habang ginalaw na naman ulit ang wheelchair nito palapit sa akin.
Sobrang nahihilo na ako dahil kanina pa nila ako binubogbog.
Hinila niya ulit ang buhok ko at itinutok ang baril sa gilid ng ulo ko.
Napaluhod ako habang nakaharap kay Zyrone.
Nanlaki ang mata ni Zyrone.
Halos magwala siya upang bitawan ng mga lalaki. Ang lakas na rin ng pagsigaw niya.
" Kuyaaa!!! Kuyaa!!!! Wag!!!"
Napapikit ako.
Hindi ko maisip na mangyayari sa'kin 'to. Sa amin.
Last night, I was so sure that we will make it together. But I guess I will be the one to make it in the other side of the world.
Huminga ako ng mahinahon at ipinaubaya ang lahat sa susunod na mangyayari.
Hindi ko maintindihan ang sobrang sakit sa puso ko. Mas masakit pa kesa sa mga sugat ko.
Pumikit ako upang hindi siya makita kung paano ko siya iiwan.
" Please..please..Zy..please..don't.." Napapailing ako habang umiiyak.
" Kate.."
" Please..don't..don't look. Please—
Umugong ang malakas na tawa ng kuya niya.
" Nakakatuwa kayong tingnan. Para kayong mga baliw! Sobrang baliw sa pag-ibig!"
" Kuya..please..please..huwag mong gawin 'to. Pakawalan mo siya. Wag mo siyang patayin. Maawa ka. Pangako..susundin ko na kayo. Kuya.please..please.."
Tumawa na naman ulit ang kuya niya.
" No..Zyrone. We will send her head to the Samaniego. Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya kay Light?! Ha?!"
Napapikit ako lalo.
Yeah right. I deserve this. If my death will be the payment for all the wrong things I've done..then..be it. I'll accept my fate as long as I know he will live.
" Kuya..please..wag. Maawa ka."
Sobra na talaga ang paghihirap sa boses ni Zyrone.
" Hangal! Paano ka nahulog sa taong pumatay sa kapatid mo?! Nakalimutan mo na ba kung paano ka muntik na mamatay din dahil sa kanya?!!"
BINABASA MO ANG
BELLA LUNA
General Fiction( SAVAGE LOVE SERIES 1 ) 'Patayin si Bella Luna Samaniego!' That is what Tyrone instilled to the mind of his younger brother Zyrone Silverio. To kill the youngest and only daughter of the Samaniego family. They have a plan. That plan was crafted eve...