" Felgen Rose"
"Dad? Why am I packing my things?"
Hindi ko tiningnan ang aking anak at mabilis ko lang na kinuha ang mga gamit namin. Halos nasa loob na ito ng mga maleta. Unti-unti na itong ipinapasok ng mga tauhan namin sa kotse.
"Brixx, talaga bang hindi ka sasama sa amin?"
" Susunod din ako sa inyo, Karen. Basta sundin mo lang lahat ng instructions ko sa'yo."
" Dad? Mom? Aalis tayo?"
Hinarap ko na siya at pilit na ngumiti. Hinawakan ko siya sa kanyang mga balikat.
" Felgen Rose, anak. Kayo lang ng mommy mo. I just need to fix some things here."
" Is it about tita Bella Luna? I mean the real Bella Luna?"
Hindi ko siya sinagot at tumitig lang ako sa kanya. Sa edad na labing lima ay hindi ko akalain na ang bilis lumipas ng panahon. Ang laki na niya at dalaga na.
Kung may pinakaiingatan ako ngayon bukod sa kapatid kong babae ay mas nag-aalala ako sa mangyayari sa anak ko lalo na kapag nalaman ito ng mga Silverio.
Hindi pwedeng malaman nila na buhay ang anak ni Beatrice.
Tumigas ang panga ko at napabuntong hininga.
" Dad, bakit hindi ka nalang sumama sa'min?" Nakita ko ang matinding pag-aalala sa kanyang mga mata.
I spoiled her so much in this life. And she deserves it kasi anak ko siya. Napatunayan 'yun mula sa lumabas na resulta mula sa paternity test na isinagawa noong isang buwan na taong gulang pa siya.
Kahit may dugo siyang Silverio, ay hindi naging hadlang 'yun para ituring ko siyang bahagi ng aming angkan. She's a Samaniego no matter what. And I will do everything to protect her.
" Dad? Please. Natatakot ako. Ayokong matulad ka kay tito Drake." I see her about to cry, but I touch his cheeks.
" Don't worry anak. Hindi mangyayari 'yun. Walang Silverio na makakatalo sa'kin."
But even in her eyes, I see doubt in it.
I hold myself and couragely watch their car as it strode on the highway. Kasama nila ang marami kong tauhan.
Sa America muna sila. Kailangan ko agad silang itakas at baka malaman pa ng mga Silverio ang totoo. Hindi ko alam kung ano na ang nasabi ni Kate sa kanila.
Ang babaeng 'yun! Duda akong may kinalaman siya sa lahat!
Nakipagtulungan kaya siya kay Tyrone?
Naikuyom ko ang mga kamao at pumasok na ng mansyon.
Isang buwan na mahigit simula nang mahuli ng mga Silverio si Bella Luna. At isang buwan na rin kaming nababaliw kung saan itinago ng mga hinayupak ang bunso kong kapatid.
Hindi lingid sa amin ang ginawa nilang pang-aabuso sa kapatid ko. Gusto talaga nilang iparamdam sa amin 'yung ginawa namin kay Beatrice.
" I know kung ano ang susunod nilang gagawin kay Bella Luna." Napalingon kami ng papa mula sa sinabi ng kuya Lionel.
" What is it Lionel? Ha? Bakit hanggang ngayon hindi niyo pa 'rin natutunton ang anak ko, ha??!"
Malaki ang ibinaba ng timbang ng papa mula sa mga nangyayari. Halos kaming tatlo ay walang masyadong tulog sa kakaisip ng paraan kung paano makuhang muli ang kapatid.
BINABASA MO ANG
BELLA LUNA
General Fiction( SAVAGE LOVE SERIES 1 ) 'Patayin si Bella Luna Samaniego!' That is what Tyrone instilled to the mind of his younger brother Zyrone Silverio. To kill the youngest and only daughter of the Samaniego family. They have a plan. That plan was crafted eve...