29: Bella Luna Samaniego

117 5 0
                                    

"Ayoko na"

I thought that would be my end. Akala ko makakalaya na ako sa wakas. But I end up being awake in the middle of the night where I see him in my side sleeping.

Two weeks ago, I learned that I was pregnant. Nag-bleeding ako ng malala at akala ko 'yun na talaga ang katapusan ko.

I admit I was glad it did happen. I thought that being dead is much better than my current situation.

Dahil sa mga nangyari hindi ko kaagad napansin ang mga pagbabagong nagaganap sa'king katawan. I am 5 months pregnant already when the incident happenned.

Napangiti ako ng mapakla mula sa napaka-hopeless kong sitwasyon.

Hindi lang ako nakulong at inabuso sa lugar na ito. Inanakan pa ako.

Napahawak ako sa malaki kong tiyan at umiyak ng husto.

Anong gagawin ko ngayon? Papatayin na ba nila ako? O isasauli na nila sa pamilya ko?

Ngayong natupad na ang gusto nilang mangyari sa'kin. Wala ng rason para manatili ako rito.

Pero napatingin ako kay Tyrone na ngayon ay payapang natutulog sa tabi ko.

Matalim akong tumitig sa kanya dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya ako ibinabalik sa pamilya ko gaya ng napagkasunduan namin.

Gusto ba talaga niyang makita na mawala ako sa sarili dahil sa nangyari?

Hindi pa ba sapat sa kanya na nakikita akong nagdurusa ngayon?

At anong gagawin ko sa anak ko?

Isipin pa lang ang kalunos lunos kong kalagayan ngayon ay sobra na akong nahihirapan.

"You should sleep now. Stop crying."

Sinabi niya 'yun habang nakapikit pa rin. So hindi pala siya tulog?

Napaharap siya sa'kin at napadilat. Tumitig siya ng marahan sa'kin.

" Bella Luna, . .matulog ka na." Mahina niyang usal habang nag-aalalang nakatitig sa'kin.

Naririnig ko sa labas ang malalakas na hampas ng alon. Mukhang may bagyo yata dahil ang lakas ng kalabog ng hangin.

Nakita ko siyang napalunok at hinawakan ako sa mukha. Wiping my tears and hushing me again.

Pero mabilis ko lang tinabig ang kamay niya.

" Ibalik mo na ako sa'min. Di ba ito naman ang napagkasunduan natin noon? Pumayag ako sa gusto mo dahil sabi mo ibabalik mo ako sa pamilya ko kapag nangyari na 'to."

Hindi siya nagsalita at parang nanghihinayang pa siya na nakatingin sa'kin.

I wipe my tears and turn my back. I hate to see him. I terribly hate him.

"Wala na akong planong ibalik ka sa kanila."

Natigil ako sa pag-iyak at mabilis na napabalikwas ng bangon. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya na ngayon ay malamig lang ang ekspresyon sa mukha.

"Then kill me! Patayin mo na lang ako kung wala ka rin namang plano na ibalik ako! Ayoko na rito!"

Napabuntong hininga siya at bumangon na rin.

"Would you please calm down?"

Calm down? Paano ako kakalma kung sa halos anim na buwan ay wala na akong ibang naramdaman kundi takot at sakit?

"Ibalik mo na ako sa amin." Matigas kong saad sa kanya. Walang emosyon ang mukha ko.

Pero nanatili lang na malamig ang mga tingin niya sa'kin.

BELLA LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon