"Waking up from a bad dream."
" Ahhhhhhhh!!!!"
Umiiyak ako habang hindi maipaliwanag ang sobrang sakit sa'king tiyan.
Naramdaman kong malapit ng lumabas ang anak ko.
Halos limang oras na akong nasa ganitong sitwasyon.
" Ahhhhh!"
Nasa tabi ko si Tyrone habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ko.
" Konti nalang..malapit na. Ere pa."
Sinunod ko ang sinabi ng matanda at umere lang ako ng umere.
" Ahhhhh"
Isa pang ere ay napahinga ako ng malalim nang marinig ang malakas na pag-iyak ng bata.
" Lalaki! Lalaki ang anak niyo!"
Kahit na nanghihina ay nakita ko ang matandang babae na ibinigay ang bata kay Tyrone. Nang nasa kamay na niya ito ay tumigil ang bata sa pag-iyak.
Nakita ko ang pagluha ni Tyrone nang makita ang anak namin.
" Bella Luna..tingnan mo.."
Napangiti ako habang naluluha nang makita ang inosente niyang mukha.
Napapikit ako dahil sa sobrang pagod.
" Tyrone..
Bago tuluyang mawalan ng malay ay sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng kapayapaan dito sa puso ko.
Makalipas ang limang buwan ay inungkat muli ni Tyrone ang mga sinabi niya sa'kin noon.
Nakatulog na ang bata at nakadungaw ako ngayon sa maliit na bintana ng kubong ito.
Malalim na ang gabi at napakaganda ng buwan. Pero wala 'dun ang diwa ko. Nasa malayo ako nakatingin. Sa kawalan.
" Have you made up your mind?"
Hindi ko siya sinagot.
Walang emosyon ang mga mata ko ngayon. Sobrang tahimik ng puso ko.
" Bella Luna.. .
" Kapag umalis ako, maipapangako mo ba sa'kin na hindi mo siya pababayaan?"
Natahimik siya bigla. Isang minuto siguro ang lumipas bago siya nakapagsalitang muli.
Tumabi siya sa'kin at napabuntong hininga.
" Oo, pangako. Aalagaan ko siya ng mabuti."
Napalunok ako. Hindi maintindihan ang sarili kung bakit ang hirap tanggapin sa puso ang ibinibigay niya sa'kin.
Mula ng makuha nila ako at ikulong sa kastilyong 'yun ng ilang buwan ay halos hiniling ko araw-araw na ibigay nila sa'kin ang kalayaan ko. Na pakawalan na nila ako.
At ngayon nga na ibibigay na ito sa'kin ni Tyrone, hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit nag-aalangan na ako.
Dahil ba ito sa bata?
Siguro nga dahil ito sa anak namin.
Pero pwede ko naman isama ang bata at alam kong kapag hiniling ko 'yun sa kanya ay ibibigay niya sa'kin.
Napalunok ako at pilit na iniwasan ang ilan pang mga katotohanan na gustong lumabas dito sa puso ko.
Napayuko ako at napahinga ng malalim.
Mali ito. Mali na mag-alangan pa ako.
Kailangan ko ng makabalik sa pamilya ko ngayon. Sobrang nag-aalala na sa'kin ang papa at ang mga kuya ko.
BINABASA MO ANG
BELLA LUNA
Aktuelle Literatur( SAVAGE LOVE SERIES 1 ) 'Patayin si Bella Luna Samaniego!' That is what Tyrone instilled to the mind of his younger brother Zyrone Silverio. To kill the youngest and only daughter of the Samaniego family. They have a plan. That plan was crafted eve...