15: Bella Luna Samaniego

114 4 0
                                    

"Scream"

I feel so dizzy at habol ko rin ang hininga. Kung posibleng ikamatay ang paulit-ulit na sakit na nadarama ay siguro ito na 'yun.

Kahit gusto ko mawalan ng malay para hindi maramdaman ang sakit pero hindi ko magawa.

Para akong pinaparusahan sa kasalukuyang sitwasyon. Sobrang hapdi ng hita kong natamaan ng baril.

Sobrang pinagpapawisan na rin ako. Alam ko rin na labis na akong namumutla.

Nauuhaw ako. Gusto kong uminom ng tubig. Kahit 'yun man lang maranasan ko. Kahit ang pagkauhaw man lang ay maibsan kahit sa kabila pa ng nangyayari sa'kin ngayon.

Kahit na sa nanlalabo kong tingin ay nakita ko siya.

" Zy. . .

" Jane...kuya! Please! Let her go!"

Kanina pa sumisigaw si Zyrone pero kahit na sa paulit-ulit niyang pagdaing ay wala pa ring nakinig sa kanya.

Ilang sandali pa ay nakita ko si Tyrone na lumapit sa akin.

Walang emosyon ang mukha niya na mas lalo lang nagbigay sa'kin ng matinding kaba sa dibdib.

Anong gagawin niya sa'kin?

Nang makalapit ay sinimulan niya akong kalagan. Tinanggal niya ang mga tali ko sa paa at kamay.

" Ahh. ." Napasinghap ako nang madali niya 'yung sugat ko sa hita.

Nakakahilo ang sobrang sakit.

Ano mang iyak ko ay hindi pa rin 'yun naging sapat para maawa siya.

" P-please..let –

Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil bigla niya akong binuhat.

" Kuya! Saan mo siya dadalhin?!"

Kahit hindi ko siya nakikita pero ramdam ko ang pagkabahala ni Zyrone.

Hindi lang siya sinagot ng kapatid at nagsimula na itong maglakad palayo sa kanya.

" Kuya Tyrone! Please!!!"

" Kuya!!!"

" Kuyaaaa!!!"

Napahinga ako ng malalim nang makita na pumasok kami sa isang kwarto. Napansin ko rin na parang gawa sa bato ang lugar na 'to.

May isang medyo malaking bintana ang kwartong ito at natatanaw ko sa labas ang dagat. Mga alon na kaylaki na humahampas parito.

Kahit gusto kong magtanong sa kanya kung anong lugar 'tong pinagdalhan niya sa'kin pero labis na talaga akong nanghihina.

Parang ano mang segundo ay mababawian na ako ng buhay.

Naramdaman ko nalang na inilapag niya ako sa isang malambot na kama.

Huminga ako ng malalim at may mga luhang tumulo sa'king mga mata nang makita siya.

Nilagay niya ang kanyang touchscreen na cellphone sa mesa na nasa tabi ng kama ko.

Tumingin siya sa'kin. Mga titig na hindi mo mawari.

Pero sobrang kinakabahan talaga ako.

Ano bang gagawin niya sa'kin?

" Hello?!! Hello?! Sino 'to?!"

Napadilat ako at napasinghap. Boses 'yun ng papa! Naririnig ko 'yun mula sa kanyang cellphone.

" Pa!!!" Umiiyak akong napasigaw.

BELLA LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon