"Cruel Truth"
Janesis Sombrana. My other identity. A simple girl who has only a simple life as a college student.
How I wish I can still be the real Janesis Sombrana, not as Bella Luna Samanigeo.
My brother will always tell me of how cruel the Silverio were. Kung ano ang ginawa nila kay kuya Earl at kuya Lander.
Natatandaan ko rin na minsan ay nakipag-ayos ang pamilya namin sa kanila pero hindi sila pumayag. Kasi mas gusto pa nilang mas gumulo lalo ang mga pamilya namin.
Nauna silang pumatay. Gumanti lang ang pamilya namin at ngayon nga hindi na matapos tapos ang kaguluhang ito.
And what in my right mind that I think this will end by just secretly making an agreement with him, huh? Not thinking that all this time the cruel truth about our families will never change.
A Silverio will always be a Silverio.
Unti-unti akong nagising at nang naging klaro ang lahat sa'kin ay bigla akong napabalikwas ng bangon.
Nasaan ako?
Ilang sandali pa ay nakita ko siya.
Siya na inakala kong hindi gagawin 'to sa'kin.
Nanubig bigla ang mga mata ko nang lumapit siya sa'kin.
" Tyrone..bak—
" Shhh. You should have thought it first before calling me. What a dangerous move, Bella Luna."
Napadilat ako nang marinig 'yun sa kanya.
Alam na niya. Alam na pala niya!
Hinanap ko sa paligid si Kate. Pero hindi ko siya makita.
" Where's Kate?"
" Ow, the fake Bella Luna." Ngumisi siya ng bahagya pero ganun pa rin ang mga tingin niya sa akin. Puno ng pagkasuklam na tila ano mang oras ay kaya niya akong saktan.
" Anong ginawa mo sa kanya?"
Bahagyang napataas ang kilay niya.
" She's dead."
Nanlaki ang mga mata ko.
" Pinatay mo siya?!" Hindi talaga ako makapaniwala na kaya niyang gawin 'yun. I have known him as this silent man and . . .and I must be crazy for believing that he's not capable of hurting anyone just because I see him as a silent type of person.
Shit. Bella Luna. Ang tanga mo talaga.
" Grabe rin kayo, nu? Hindi namin naisip na oo nga naman. Kung ako si Don Carlos ay hindi ko rin e-rereveal ang tunay na katauhan ng bunsong anak. Lalo kung isa siyang inosente at walang muwang sa katotohanan. Sinayang mo lang ang lahat ng sakripisyo ng mga kuya mo sa'yo."
Hindi ko na mapigilan ang mapaiyak.
" Please..just fulfill your promise to me. Hindi matatapos 'to kung patuloy kang gagawa ng ikakagalit ng pamilya ko."
Tumawa siya ng mahina at tila na-aamuse siyang nakatingin sa akin.
" Do you think just because you say it so, it will end that easily? You don't know your family. It's a shame that you're born in that kind of family. You're too pure ..and naïve to believe that forgiveness can erase all the bad things before."
Mas napaiyak pa ako nang pahirin niya ng kanyang kamay ang mga luha ko.
Sinubukan kong umiwas pero ginawa pa rin niya.
BINABASA MO ANG
BELLA LUNA
General Fiction( SAVAGE LOVE SERIES 1 ) 'Patayin si Bella Luna Samaniego!' That is what Tyrone instilled to the mind of his younger brother Zyrone Silverio. To kill the youngest and only daughter of the Samaniego family. They have a plan. That plan was crafted eve...